Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chinese style na music

(GMT+08:00) 2016-10-17 15:18:21       CRI
Ang chinoiserie o istilong Tsino ay isang lifestyle o art form. Itinatag ang mga ito batay sa tradisyonal na kulturang Tsino.

Actually, noong katapusan ng ika-17 siglo hanggang ika-18 siglo, ang pinakamasaganang panahon ng Qing Dynasty, at popular na popular noon ang Chinoiserie sa buong daigdig. Sa panahong iyon, ang Chinoiserie ay pinaka-fashionable na life style. Noong 1700's, sa napakalaking party bilang pagsalubong sa pagdating ng bagong siglo, sinuot minsan ni "Sun King" Louis XIV ang Chinese style na costume sa isang party sakay ng isang large sedan chair na pasan ng walo katao. Pagpasok sa ika-21 siglo, nagsimulang maging popular ang mga Chinese style na pop music. Kapag sumusulat ng kanta, kumukuha ng inspirasyon ang ilang singer sa tradisyonal na istorya, at ginagamit din ang ilang tradisyonal na musical instrument, upang ibayo pang maging katangi-tangi ang mga pop music.

Ang kantang "Dong Feng Po" na kinatha at kinanta ng Taiwanes Singer na si Jay Chow ay isang milestone sa Chinese style na music. Ayon sa music critics, ito ay isang perpektong chinoiserie song na binubuo ng tatlong tradisyonal na elemento at tatlong modernong element --- that is, ginamit ang tradisyonal na poem bilang lyrics, naipakita ang tradisyonal na Chinese culture at puwedeng mapakinggan ang tradisyonal na melody. Samanatala, din dito ang modernong singing skill, modernong music arrangement at naipakita ang modernong ideya. Sa kantang "Dong Feng Po," matagumpay na pinagsama ni Jay Chow ang Chinese traditional music instrument na Pipa at violin, piano at ibang mga western music instrument. Ito'y isang R&B music pero, puno-puno ang elementong Tsino.

Bukod kay Jay Chow, si JJ Lin na galing sa Singpore ay isang pang singer na mahusay sa pag-compose ng mga Chinoiserie music, noong taong 2004, na hindi popular pa ang mga Chinese style na music, sinulat ni JJ ang kantang pinamagatang "Jiang Nan," at idinadag niya ang bamboo flute at Chinese Zither sa western R&B music. Sa tulong ng isang kantang pumupuri sa katapatan ng mga mandirigma, naipakita niya ang di-mababagong katapatan sa pagmamahal mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Noong 2007, sa bisperas ng Beijing Olympic Games, kumalat sa buong daigdig ang isang Chinese fever, lumitaw ang maraming Chinese language school sa buong daigdig, at sa tuwing ibinigay ang lesson, pinatutugtog ng halos lahat ng guro ang isang kantang "Chinese Language" na ibinigay ng girls group S.H.E. Ang lyrics ng kantang ito ay binubuo ng pitong 7 tongue twister, at naging isang magandang teaching material para sa mga language learner.

Bukod ng music arrangement, nilalaman ng lyrics, mayroong isa pang Chinese style na music na nagtatampok sa Chinese style na pagkanta. Sa iba't ibang lugar ng Tsina, may iba't ibang local opera. Sa Beijing, mayroon Peking Opera at sa Shanghai, mayroon Kungqu Opera at sa Anhui, mayroon Huangmei Opera. Ang kantang "One Night In Beijing" na inibigay ng bandang Shin ay isang rock&roll music, pero, sa bahagi ng chorus, tinularan ng lead vocalist ang singing skill ng Peking opera na naging isang perpektong modelo ng Pop music at tradisyonal na kulturang Tsino.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>