Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte sa Tsina

(GMT+08:00) 2016-10-22 17:03:47       CRI

Dumating po kamakalawa sa Beijing ang ating mahal na President Mayor Rodrigo Roa Duterte. Sa kanyang pagdating, bitbit niya ang pag-asa at naising pabutihin ang relasyon ng Pilipinas at Tsina.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Nora Terrado, nasa 250 business executive na Pilipino ang kasama ni Pangulong Digong at nakahanda silang makipagnegosyo sa mga counterpart na Tsino. Ayon naman kay Sergio Ortiz-Luis, Presidente ng Philippine Exporters Confederation, maraming larangang pang-negosyo kung saan maaring magtulungan ang Pilipinas at Tsina, tulad ng imprastruktura, agrikultura, financing facilities, joint ventures, enerhiya, investment, low-cost manufacturing, pagpuksa sa ilegal na droga, at marami pang iba.

Pero, bago pa man dumalaw si Pangulong Digong sa Tsina, nag-umpisa na ang kooperasyon ng dalawang bansa. Nagpahayag na di-umano ng interes ang China Railway Rolling Stock Corporation (CRRC)-Dalian Co., Ltd, na itayo ang high speed railway sa pagitan ng Subic, Olongapo at Clark, Pampanga. Ito ay inaasahang magpapabilis sa transportasyon at makakapag-pagaan ng trapiko sa pagitan ng dalawang nasabing lugar at karatig na pook, kasama na ang Metro Manila.

Bukod pa riyan, isang mayamang Filipino-Chinese na nagngangalang Huang Rulun ang nag-donate ng 10,000-bed mega drug treatment and rehabilitation center (TRC) sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija, at ito'y magiging fully operational sa unang linggo ng November 2016.

Alam po nating lahat na nakapokus ang kampanya ng ating pamahalaan sa pagpuksa at pagsupil sa ilegal na droga.

Ito po kasi ang pundasyon ng isang masagana at mapayapang lipunan. Kung walang droga, maliit ang bilang ng krimen, at hindi masisira ang pamilyang Pilipino, kung mapayapa ang lipunang Pilipino, magkakaroon ng tiwala ang mga investor na mamuhunan sa bansa, kung maraming namumuhunan sa bansa, yayabong ang ekonomiya, at kung mayabong ang ekonomiya, maraming trabaho para sa bawat Pilipino.

Uulitin ko po, kung walang droga, walang krimen, o maliit ang bilang ng krimen, at hindi masisira ang pamilyang Pilipino, kung mapayapa ang lipunang Pilipino, magkakaroon ng tiwala ang mga investor na mamuhunan sa bansa, kung maraming namumuhunan sa bansa, yayabong ang ekonomiya, at kung mayabong ang ekonomiya, maraming disenteng trabaho para sa bawat Pilipino. Kapag may disente at dignified na trabaho ang mga Pilipino, hindi na po tayo kailangang mangibang-bansa para kumita. Diyan sa sariling bansa natin, maari na tayong mamuhay ng marangal, may-dignidad, komportable, masagana, ligtas, at higit sa lahat, kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Ito po ang nais ng ating Mayor President; ang magkaroon ng maayos na buhay ang bawat Pilipinong nagmamahal sa kapayapaan.

Pero, siyempre, ibang usapan kung ikaw naman ay involve sa droga. Kailangang managot sa batas ang sinumang lumalabag dito, lalung-lalo na ang mga taong nasa kalakalan ng droga, na sumisira sa utak ng ating mga kabataan at gumigiba sa maraming Pilipinong pamilya.

Ayon sa ulat ng media, nasa $USD500 milyong dolyar umano ang halaga ng business deal, investment at ibang pang kasunduang pangkalakan ang nakatakdang makuha ng Pilipinas sa pagdalaw na ito ng Pangulong Idol Digong.

Bukod pa sa mga nabanggit natin kanina, may pag-asa rin ang Pilipinas at Tsina na magtulungan sa pagpapabuti ng mga imprastruktura para sa mas episyenteng pagbibigay at paghahatid ng mura at malinis na enerhiya, gaya ng mga mapagkukunan ng natural gas, langis, mina, at renewable energy, malapit sa probinsya ng Palawan.

Sa larangan naman ng turismo, alam natin na patuloy na dumarami ang mga Tsinong namamasyal sa ibang bansa tuwing bakasyon, at di-umano; USD$94 bilyong dolyar ang ginasta ng mga Tsino nitong nakalipas na National Holiday Week ng Tsina. Sa pagdalaw na ito pag-uusapan din ang mga konkretong hakbang, proyekto at pakikipagtulungan upang makuha ng Pilipinas ang tiwala at atensyon ng mga Chinese tourist na ito.

Yaman din lamang at napapag-usapan po natin yung mga pakinabang na makakamtan ng relasyong Sino-Filipino sa pagdalaw na ito ng Pangulong Duterte sa Tsina, pag-usapan po natin ng kaunti ang taong nag-donate ng 10,000-bed mega drug treatment and rehabilitation center (TRC) sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija. Sinabi kamakailan ni Health Secretary Paulyn Ubial na ang donor ng nasabing estruktura ay ang 65-year-old Chinese real estate billionaire na si Huang Rulun, na siya ring kinikilalang No. 1 philanthropist sa Tsina noong 2012 at walang business interest sa Pilipinas. Ani Ubial, ang lahat ng business interest ni Huang ay nasa Tsina.

Ang pilantropoikong gawain ni Huang ay kumakatawan sa ancient Chinese proverb na "yin shui si yuan," na nangangahulugang "kapag ikaw ay umiinom ng tubig, alalahanin kung saan ito nagmula." Ito rin ay nangangahulugang pagbibigay pasalamat. Sa pagkakataong ito, siya ay nagbibigay pasalamat sa Pilipinas na siyang nagbigay sa kanya ng panimula upang maabot niya ang kanyang kinatatayuan ngayon.

Ang pilantropikong gawaing ito ay nakapaghihilom, nakapagpapabalik, at nakapagno-normalisa ng libong taon nang pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

Ayon sa Forbes magazine, si Huang ay may net worth at US$3.9 billion. Siya ang pangulo ng Century Golden Resources Group na may mahigit 20,000 employees, 20 luxury hotels at 10 shopping malls. Siya rin ay part-owner ng bagong Fuzhou Airlines.

Ilan pa sa maraming Gawain ni Huang ay ang kanyang pangako na mag-donate ng art museum para sa Tsinghua University sa Beijing.

Noong 1986, si Huang ay isang struggling trader sa Binondo/Divisoria. Nang makaipon, bumalik siya sa Fujian, Tsina noong 1991 at nag-invest sa real estate, kung saan niya natagpuan ang suwerte at naging isang bilyonaryo.

Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas

si Huang Rulun

sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte (kanan) at Secretary Bong Go (kaliwa)

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Pangulong Duterte sa Tsina 2016-10-22 17:03:47
v Golden Week ng Turismo 2016-10-18 15:47:12
v Usapang Telepono 2016-09-29 18:09:29
v Mga Expat sa Hangzhou 2016-09-22 17:01:35
v Pestibal ng Bilog na Buwan 2016-09-14 16:38:50
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>