|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Malaysia ang susunod na dadalawin ni Pangulong Duterte
MATAPOS ang halos magkakasunod na paglalakbay ni Pangulong Duterte, balak naman niyang dumalaw sa Malaysia.
Nais niyang makausap ang mga pinuno ng Malaysia upang mawakasan na ang mga kaguluhang nagaganap sa Malacca Strait.
Samantalang patuloy ang kanyang maaanghang na pahayag laban sa Estados Unidos at iba pang mga kritiko sa kanyang kampanya laban sa droga, sinabi ni G. Duterte na tatapusin niya ang kanyang mga paglalakbay sa pagdalaw sa Malaysia sapagkat pinahahalagahan niya ang ang bansang ito.
Nais niyang makausap si Malaysian Prime Minister Najib Razak at Indonesian President Joko Widodo upang mapigil ang pamimirata sa Malacca Strait. Magiging mahigpit siya sa paglaban sa mga pirata tulad ng kampanya niya laban sa illegal drugs.
Bumalik na si Pangulong Duterte mula sa Tokyo kagabi matapos magdeklara ng panahon ng pagluluksa ang Imperial Household sa pagpanaw ng tiyuhin ng kasalukuyang emperador ng Japan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |