|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Flashfloods, tumama sa Zamboanga del Sur
ISANG magsasaka ang nawawala at pinangangambahang nasawi sa dagliang pagbaha dala ng walang-humpay na pag-ulan sa Zamboanga del Sur.
Kinilala ng pulisya ang nawawala sa pangalang Miran Ticol Apay, isang magsasaka mula sa bayan ng Dumingag. Sinabi ni Police Supt. Michael Nicolas ng Police Regional Office No. 9 na nagtangkang tumawid si Apay sa binabahang ilog ng matangay ng malakas na agos. Hindi pa natatagpuan ang kanyang katawan.
Walong barangay ang binaha at napinsala ang mga palay na katatanim pa lamang.
Dalawang barangay din sa Ramon Magsaysay ang binaha matapos mamaga ang Dipolog River.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |