|
||||||||
|
||
20161229Meloreport.m4a
|
WALANG dapat ipangamba ang mga mamamayan na pinag-aaralan na ni Pangulong Duterte na magdeklara ng Martial Law kasunod ng mga pagsabog sa Leyte at North Cotabato kagabi.
Sinabi ni Secretary Ernesto Abella na walang pinag-aaralang pagdedeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte sa likod ng mga pagsabog. Nag-iimbestiga pa ang pulisya sa mga naganap na insidente.
Umabot sa 24 matapos ang nasaktan sa pagsabog ng Isang improvised explosive device sa isang nagaganap na patimpalak sa larangan ng boxing sa plaza ng Hilongos pasado ika-siyam kagabi.
Mga ikawalo ng gabi, anim katao naman ang nasugatan sa pagsabog na naganap sa tabing-daan sa Aleosan, North Cotabato.
Noong nakalipas na isang linggo, isang pagsabog naman ang naganap sa labas ng simbahan sa Midsayap, Cotabato. Bagama't nababahala ang pamahalaan sa mga pangyayaring ito, hindi naman na-aalarma ang pamahalaan.
Wala pa umanong nagsasabing sila ang may kagagawan sa mga pagpapasabog kaya't 'di matiyak ang pinagmulan nito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |