|
||||||||
|
||
Kuryente, makababalik sa Albay sa ikalawang linggo ng Enero
Ito ang sinabi ni Albay Governor Al Francis Bichara (gitna) sa isang press briefing kahapon. Ani Gov. Bichara, malaki ang pinsala sa dalawa mula sa tao g distrito ng lalawigan. Bagaman, makararating ang kuryente sa ikalawang distrito bago sumapit ang bagong taon. (Melo M. Acuna)
AABOT pa sa ikalawang linggo ng Enero upang matapos ng mga kinauukulan ang pag-aayos ng linya ng kuryente matapos hagupitin ni "Nina" noong nakalipas na LInggo ng gabi.
Umabot sa 35 mga transmission towers na pag-aari ng National Grid Corporation of the Philippines kaya't matatagalan pa ang pagbabalik ng kuryente sa may 187,000 mga tahanan sa Albay.
Ito ang nabatid sa isang press conference na dinaluhan ni Albay Governor Al Francis Bichara kahapon ng hapon.
Bagama't, umaasa pa ang marami na magkakaroon ng kuryente bago sumapit ang huling araw ng Disyembre.
Dumating na ang mga tauhan ng Meralco at mga kinatawan ng iba't ibang electric cooperatives upang tumulong sa pagtatyo ng mga poste. Dagdag ang mga ito sa 60 kataong mula sa Albay Power and Energy Corporation o APEC, na isang subsidiary ng San Miguel Corporation.
Sa isang briefing sinabi ni G. Ed Piamonte, operations manager ng APEC na aabot sa P77 milyong piso ang halaga ng pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sapagkat papalitan ang mga napinsalang poste at kable. Umaabot sa P 1 hanggang P 1.5 milyon ang nawawalang kita sa APEC sa bawat araw na walang kuryente sa Albay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |