|
||||||||
|
||
Mga Filipino, aabot sa 105 milyon sa 2017
HINDI magtatagal ay aabot sa 105 milyon ang mga Filipino sa pagtatapos ng ika-31 ng Disyembre 2017. Sa pagtataya ng Commission on Population, aabot sa 105,758,850 ang mga Filipino sa pagtatapos ng bagong taon.
Aabot naman sa 31.5 milyon ang mga mag-Aareal samantalang may 66.7 milyon ang mga manggagawa samantalang may 5.2 milyon ang mga Filipino na higit sa 65 taong gulang.
Dadami rin ang mga Filipino na saklaw ng reproductive age (mula 15 hanggang 49 na taong gulang) at aabot sa 27,293,422.
Ang pinakahuling taya ng mga mamamayang Filipino ay natamo noong 2005 na nagsabing mayroong kababaihang mula 10 hanggang 19 na taong gulang sa bislang na 10,080,824. Tinatayang higit sa 200,000 sa mga ito ang magsisilang ng kanilang sanggol sa susunod na taon. Aabot naman sa 29.1 milyon ang mga kababaihang maaaring magsilang samantalang magkakaroon ng 11.3 milyong kabataang babae.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |