|
||||||||
|
||
20170110Meloreport.m4a
|
SA likod ng magandang takbo ng ekonomiya noong nakalipas na taon, handa ang Pilipinas sa anumang magaganap ngayong 2017.
Ayon kay Governor Amando M. Tetangco, Jr., gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nahaharap ang bansa sa tinaguriang financial market volatility na posibleng magkaroon ng kakaibang epekto sapagkat maaaring magkaroon ng maling pananaw ang mga nagsusuri magiging dahilan ng maling pagtataya na magpapataas ng rates at makaapekto sa balance sheet ng mga korporasyon at mga bangko. Ang mga ito ay maaaring maging dahilan ng financial stability pressures.
Maaaring mangamba ang investors at kung hindi mapipigilan, maaaring manlamig sila sa paglalagak ng kapital. Idinagdag pa ni Governor Tetangco na kung mapipigilan ang sigla ng mangangalakal, posibleng mapigil din ang anumang pagbabago at hindi na maglagak ng kapital. Ang impact ng financial markets ay magkakaroon ng matagalang epekto at makakasama ito sa negative feedback loop na nakita sa panahon ng Global Financial Crisis (GFC).
Ang madaliang financial market volatility ay nagmumula sa Federal policy actions lalo pa't kakaiba sa inaasahan ng pamilihan. Kung magkakaroon ng mas madaling pagtataas, ang EME curriences, kabilang na ang peso ay magkakaroon ng depreciation na magiging dahilan ng pagtaas ng interest rates. Kung mabagal naman, magkakaroon din ito ng epekto at magiging mas mabagal ang EME currency depreciation.
May nakikita pang panganib si Governor Tetangco tulad ng pagsidhi ng populism at pagtalikod sa multilateralism tulad ng naganap na BREXIT at mga pahayag ni Pangulong Donald Trump. Ang mga makabansang sistema ng kalakal ay posibleng maging daan sa pagbagsak ng kalakal at pagpapahina sa mabuway na global growth outlook. Ito ang kanyang talumpati sa Tuesday Breakfast Club.
May posibilidad ring mabawasan ang foreign remittances at bumagal ang business process outsourcing. Posible ring makaapekto ang kasunduan ng Organization of Petroleum Exporting Countries na magbawas ng produksyon sa susunod na anim na buwan. Sa Pilipinas, problema pa rin ang traffic, kakulangan ng pagawaing-bayan, panahon, ingay sa politika at kailangang masuri kung alin ang ingay lamang at kung ano ang nararapat daluhan.
Sa likod ng mga pangyayaring ito, sinabi ni Governor Tetangco na nanatili ang katatagan ng Gross Domestic Product sa 7.1% noong ikatlong tatlong buwan ng taong 2016, ika-71 magkakasunod na kwarter na kinatampukan ng kaunlaran mula noong unang tatlong buwan ng 1999, ang isa sa pinakamatatag sa Asia.
Sa larangan ng inflation, malakas ang kaunlaran sa pagkakaroon ng mababang inflation, 1.8% noong 2016 at halos ganito rin sa taong 2017 at 2018. Matatag pa rin ang banking system, may salapi, may kita at malalakas na balance sheets. Sa larangan ng external position, matatag ang GIR sa pagtatapos ng 2016 at mas mataas kaysa natamo noong 2015 at nasaklawan ang siyam na buwang halaga ng imports at kabayaran sa services.
Matatag na mahaharap ng ekonomiya ng bansa ang anumang hamong mula sa loob at labas ng bansa, dagdag pa ni G. Tetangco.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |