|
||||||||
|
||
Walong mangingisda, napaslang sa pamamaril
NASAWI ang walo sa 15 tauhan ng isang bangkang pangisda matapos paputukan ng mga 'di kilalang tao sa karagatan ng Laud Siromon, Barangay Dita, Zamboanga City kagabing ikapito.
Ayon sa AFP Western Mindanao Command, ang bangkang pangisda na pag-aari ng isang Mumar mula sa Sangali at may 15 tauhan, ay pinaputukan ng limang armadong kalalakihan. Walo ang nasawi samantalang nakaligtas ang pitong iba pa matapos tumalon sa karagatan.
Personal na alitan sa pagitan ng dalawang grupo ng mga mangingisda at posible ring pangingikil.
Kaninang pasado ikawalo ng umaga, nagtungo si Daud Bakil, barangay chairman ng Sangali, Zamboanga City at nagtungo sa himpilan ng pulisya kasama ang isang Kervin Banahan, upang mag-ulat sa naganap na insidente.
Ang mga nakaligtas ay nasa Siromon Island sa Zamboanga City. Inaalam pa ng Joint Task Force Zamboanga ang naganap. Tumutulong din ang mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team – 11 sa mga tauhan ng Curuan police sa imbestigasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |