|
||||||||
|
||
Higit sa 350,000 sasakyan, nabili noong 2016
LUMAGO ang benta ng mga sasakyan sa taong 2016 kung ihahambing sa nabiling mga kotse at trak noong 2015. Ayon sa ulat ng Chamber of Automotive Manufacturers' of the Philippines, Inc at Truck Manufacturer's Association, umabot sa 359,572 sasakyan ang nabili noong 2016 na kinakitaan ng 24.6% na dagdag mula sa 288,609 units na nabili noong 2015.
Higit ito sa target na 329,300 unit at mapapatotohanan ang target noong 2016 na magkakaroon ng bentang aabot sa 370,000 unit.
Umabot sa 133,188 kotse ang nabili at kinakitaan ng 14.4% increase mula sa benta noong 2015 na 116,381 sasakyan. Ang commercial vehicles ay nagkaroon ng 226,384 units na kumakatawan sa 31.4% mula sa 172,228 units na naipagbili noong 2015.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, natutuwa silang nahigitan ang kanilang target noong nakalipas na taon. Naganap ito sa pagkakaroon ng mga bagong modelo na nadagdagan ng mga agresibong promosyon.
Napanatili ng Toyota Motor Philippines ang triple cron sa pagkakaroon ng 44.14% share ng merkado samantalang natamo ng Mitsubishi Motor Philippines Corporation ang 17.08% market share. Pangatlo ang Ford Motor Corporation na nagkaroon ng 9.37% market share. Ang Isuzu Philippines ay nagtamo ng 7.61% na sinunda ng Honda Cars Philippines na nagkaroon ng 6.45% market share.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |