Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Prime Minister Abe, natuwang kauna-unahang lider na dumalaw sa bansa ngayong 2017

(GMT+08:00) 2017-01-12 18:30:58       CRI

NAGALAK si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na siya ang naging kauna-unahang lider na nakadalaw sa Pilipinas ngayong 2017. Sa kanyang talumpati sa kanilang pag-uusap ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni G. Abe na pinili niya ang Pilipinas na dalawing ngayong bagong taon upang patotohanan ang kanyang pangkong pag-iibayuhin ang relasyon ng dalawang bansa.

Karangalan umano niyang anyayahang dumalaw ngayong unang bahagi ng Enero.

Noong nakalipas na Oktubre, ani Prime Minister Abe, sinalubong niya si Pangulong Duterte sa Tokyo at nalulugod siyang makadalaw na muli sa Pilipinas sa loob lamang ng maiksing panahon.

Dadalaw din ang mag-asawang Abe sa Davao City. Suportado niya ang pamumuno ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong 2017.

Kailangan umanong magtulungan upang malutas at matugunan ang mga hamon sa rehiyon. Umaasa rin si G. Abe na magiging maganda ang kanilang pag-uusap ni Pangulong Duterte.

Higit umanong lalakas ang mahalaga at napapanahong pagtutulungan, dagdag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte. Mababatid ang mga paraan sa pagpapalakas ng mga kasunduan upang pakinabangan ng dalawang panig at mga mamamayan.

Kabilang sa mahahalagang paksa ang pagpapalakas ng kalakal at negosyo, pagpapasigla ng tanggulang pambansa, pagkakaroon ng matagalan at maasahang kapayapaan sa Mindanao, pagpapalakas na rin ng pagpapatupad ng batas laban sa kriminalidad at Pagtiyak ng kaligtasan sa pagdaragat at paglalayag.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>