Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Prime Minister Abe, natuwang kauna-unahang lider na dumalaw sa bansa ngayong 2017

(GMT+08:00) 2017-01-12 18:30:58       CRI

Mga biktima ng pang-aabuso ng mga kawal na Hapones, nanawagan kay Pangulong Duterte at Prime Minister Abe

ISA SA MGA "COMFORT WOMEN" NANAWAGAN.  Isa sa nalalabing biktima ng pang-aabuso ng mga kawal na Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nanawagan kay Pangulong Duterte na banggitin ang kanilang karanasan kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe na dumadalaw sa Pilipinas ngayon.  Naganap ang rally sa harap ng Japanese Embassy sa Pasay City kaninang umaga.

NAGSAMA-SAMA ang mga biktima ng pang-aabuso ng mga kawal na Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa harap ng Embahada ng Japan sa Roxas Blvd. kanina at nanawagan kina Pangulong Duterte at Prime Minister Abe na huwag kalilimutan ang nakaraan at humingi ng kapatawaran sa kanila.

Dumalo sa protesta ang mga biktima ng pang-aabuso na higit na sa 80 taong gulang. Kasama nila ang mga bumubuo ng Lila-Pilipina at Gabriela Party List sa protesta bago sumapit ang katanghalian.

Ayon sa matatanda kailangang humingi ng tawad ang pamahalaang Hapones at magparating ng bayad-pinsala sa mga nabubuhay pang biktima ng pang-aabuso.

Sa isang pahayag na inilabas, nanawagan ang Lila Pilipina sa popular na si Pangulong Duterte na huwag mabubulag sa alok na ayuda at iba pang tulong para sa pagtatanggol ng bansa at maging sa kampanya laban sa droga. Huwag na papayag magkaroon ng military exercises, magsanay ng mga pulis at kawal at magtayo ng mga base militar sa bansa upang maiwasang maulit ang mga pang-aabuso noong dekada kuwarenta.

Nangangamba rin ang Gabriela na baka makumbinse si Pangulong Duterte sa pautang na nagkakahalaga ng US$ 2.4 bilyon para sa Mindanao at magkahalong in-kind donations at pagpapahiram ng mga barko ng Japanese Coast Guard at mga eroplano nito.

Ayon kay Joms Salvador, secretary-general ng Gabriela, nararapat patotohanan ni Pangulong Duterte ang pangakong magkaroon ng independent foreign policy. Ang anumang tulong sa kampanya laban sa ilegal na droga ay makatutulong sa mga kaduda-dudang gawain ng mga alagad ng batas na sangkot sa mga pagpatay ng mga pinaghihinalaang sangkot sa krimen.

Sinalubong si Prime Minister Abe ni Pangulong Duterte sa Malacanang ilang minuto makalipas ang ikatlo ng hapon. Matapos ang paglagda sa Guest Book ng Malacanang, naganap ang pormal na pag-uusap ng magkabilang panig. Sumaksi rin ang dalawang pinuno sa paglagda sa mga kasunduan sa pagitan ng Japan at Pilipinas.

Sinimulan ang state banquet sa karangalan ng dumalaw na Japanese prime minister bago sumapit ang ika-anim ng gabi.

Nakatakda ring dumalaw sa Davao City ang panauhing mula sa Japan ngayong gabi.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>