Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tradisyunal na Vin d' Honneur pinamunuan ni Pangulong Duterte

(GMT+08:00) 2017-01-11 18:41:38       CRI

Tradisyunal na Vin d' Honneur pinamunuan ni Pangulong Duterte

NANGAKONG muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa tradisyunal na Vin d' Honneur sa Malacanang Palace na pupuksain ang katiwalian, kriminalidad at illegal drugs sa bansa.

Nagpasalamat si Pangulong Duterte sa mga kinatawan ng iba't ibang bansa at international organizations sa pagtitipon. Umaasa umano siyang magkakaroon ng makabuluhang pagbabago para sa Pilipinas at mga bansang may mga kinatawan sa Maynila.

Nangako rin siyang masusugpo ang rebelyon sa katimugang bahagi ng bansa. Hindi umano nagbabago ang kanyang programang ipinangako sa mga mamamayan.

Nangako rin siyang hahabulin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at dudurugin ang gulugod ng illegal drugs sa Pilipinas. Kailangan ang mga pagbabago, ani Pangulong Duterte upang madagdagan ang kalakalan, magkaroon ng mga pagawaing-bayan, madagdagan ang kita upang makatugon ang mga komunidad at mapaunlad ang social services.

Nais din niyang maghari ang matagalang kapayapaan sa Mindanao at matapos na ang paghihimagsik ng mga kalaban ng pamahalaan.

Sa pagharap sa mga hamon mula sa loob ng bansa, pinahahalagahan din ng pamahalaan ang pakikipagkaibigan at pagpapalakas ng relasyon at kasabay ng pagtuklas ng mga bagong kaibigan.

Sa pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN, oportunidad ito na maipakita ang liderato sa pagusulong ng regional development na magbibigay halaga sa ibayong kabutihan ng mga mamamayan. Umaasa ang Pilipinas sa tulong ng iba't ibang bansa.

Dumalo sa Vin di' Honneur sina Chinese Ambassador Zhao Jianhua, US Ambassador Sung Kim at Russian Ambassador Igor Khovaev at iba pa.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>