Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Anak ng lider ng MNLF, napiit sa Malaysia dahil sa pambobomba sa Davao

(GMT+08:00) 2017-01-13 18:28:44       CRI

Anak ng lider ng MNLF, napiit sa Malaysia dahil sa pambobomba sa Davao

ANG anak ng isang lider ng Moro National Liberation Front at isang mambabatas sa Mindanao ang nabilanggo na ng halos dalawang buwan sa Malaysia dahil sa pambobomba noong ikalawang gabi ng Setyembre sa Davao City. Ito ang ibinalita ng Vera Files ngayong Biyernes.

Ang suspect na kinilala sa pangalang Datu Mohammad Abduljabbar Sema, 26 na taong gulang at nadakip noong ika-24 ng Nobyembre sa Kuala Lumpur International Airport sa kanyang pagdating mula sa Bangkok sakay ng Air Asia flight AK 891.

Ang kanyang mga magulang ay sina Muslimin Sema, chairman ng pinakamalaking grupo ng MNLF at Congresswoman Bai Sandra Sema, isang congresswoman mula sa unang distrito ng Maguindanao. Dating punong-lungsod ng Cotabato si Muslimin Sema at kinikilalang makakasama sa Bangsamoro Transition Council. Samantala, mula naman sa malaking pamilya ng mga Sinsuat ng Maguindanao si Congresswoman Bai Sandra.

Isa umanong Islamic scholar ang batang Sema at napunang naglalakbay pabalik-balik sa Bangkok at lumalabas sa Cambodia. Nagdesisyon siyang magtungo sa Malaysia ng mawawalan na ng bisa ang kanyang 30-day na visa-free entry at magbabalik matapos ang ikatlong araw.

Hindi binanggit kung saan napipiit ang batang Sema na hindi saklaw ng pulisya. Nagpadala na ang Pilipinas ng mga pulis sa Malaysia upang kunin ang kanyang pahayag. Isang source ang nagsabing kumikilos ang kanyang ina upang mapalaya ang kanyang anak sa pamamagitan ng pardon mula kay Pangulong Duterte.

Hiniling naman ng ama ang tulong ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa usapin. Ito rin ang ginagawa ng ina. Nagtungo ang mga Sema sa Malaysia noong Disyembre upang makausap ang kanilang anak.

Magugunitang 12 katao ang nasawi sa pagpapasabog sa night market sa Davao City. Tatlong suspects ang nadakip noong ika-apat ng Oktubre at apat na iba pa ang nadakip sa operasyon ng mga autoridad noong ika-29 ng Oktubre sa kanilang hideout sa Southern Philippines Development Authority Compound sa Cotabato City. Mga kasapi umano ng Maute Group ang mga nadakip.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>