|
||||||||
|
||
Japanese Prime Minister Abe, umalis na sa Davao City
PRIME MINISTER ABE AT PANGULONG DUTERTE SA DAVAO. Makikita sa larawan ang dalawang pinuno ng bansa samantalang dumalaw si G. Abe sa tahanan ni Pangulong Duterte. (Facebook Photo ni Christopher Bong Go)
UMALIS na sa Davao City si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at ang kanyang maybahay matapos dumalaw sa tahanan ni Pangulong Duterte, pumasyal sa isang eagle farm at kumain ng durian at iba pang prutas na kilala sa Mindanao.
Nawala ang pormalidad sa pagdalaw ni G. Abe sa Davao sapagkat walang protocol na ipinatupad si G. Duterte.
PRIME MINISTER ABE, PINAPASOK SA SILID NI PANGULONG DUTERTE. Parang matatagal nang magkakaibigan, sa pagdalaw ni G. Abe sa Davao, dumalaw siya sa tahanan ni G. Duterte at doon nag-almusal ng mga kakaning Filipino. (Facebook Photo ni Christopher Bong Go)
Nag-almusal siya ng mga kakaning Pilipino at sinabawang munggo. Nag-usap ang dalawang pinuno ng bansa sa isang hotel sa tabing-dagat. Isang seremonya ang idinaos sa pagpapangalan sa isang agila at pinangalanang Sakura o Cherry Blossom. Nakangiti at madalas tumawa si G. Abe sa kanyang pagdalaw na nagtapos sa isang paralang nagtuturo ng Nippongo sa mga kabataan. Umalis na siya at ang kanyang maybahay at magtutungo sa Indonesia at Vietnam.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |