|
||||||||
|
||
Kaso laban sa pulis na umano'y sangkot sa kidnapping, pinalalakas
MATIBAY NA KASO LABAN SA ISANG PULIS TINIYAK. Ayon kay Anti-Kidnapping Group leader PSSupt. Glenn Dumlao, malakas ang kaso nila laban sa isang pulis na sinasabing sangkot sa pagdukot sa isang Koreanong negosyante sa Angeles City. (PNP Photo)
NANINIWALA ang PNP Anti-Kidnapping Group na malakas ang kanilang usapin laban sa isang SPO3 Ricky Sta. Isabel at ilang iba pang sangkot na kakasuhan sa pagdukot sa isang negosyanteng Koreanong kinilala sa pangalang Ick Joo Jee sa Angeles City noong Oktubre ng 2016.
Ayon kay PSSupt. Glenn Dumlao, AKG Director, si Sta. Isabel ay kabilang sa isalang suspects na nahaharap sa kasong Kidnapping for Ransom and Serious Illegal Detention na ipinarating na sa Department of Justice sa pagkakadukot kay Jee.
Patuloy na sinusuway ni Sta. Isabel ang utos ni Director General Ronald M. Dela Rosa na sumuko at tiyaking haharap sa imbestigasyon sa pagdukot kay Jee. Ayon kay kay Dumlao, kabilang si Sta. Isanel sa mga kalalakihang nakita sa security camera footages na nagtutulak kay Jee sa isang naghihintay na sasakyan.
Nabatid ring naroon si Sta. Isabel sa pook ng krimen bago naganap ang insidente, sa pagdukot at matapos ang kidnapping ayon sa CCTV footages, visitor's logbook at pahayag ng mga security guard.
Nakita rin sa surveillance video recording na kumukuha ng pera mula sa ATM account ng biktima. Sangkot din umano si Sta. Isabel sa pagdukot sa isang Mylene Tan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |