|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, nanawagan sa Moro National Liberation Front at MILF na huwag magkanlong ng mga terorista
HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front na huwag payagang magkanlong sa kanilang mga nasasakupan ang mga kinikilalang terorista.
Ito ang buod ng kanyang talumpati a Sixth Division ng Philippine Army sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kanina.
Ani Pangulong Duterte, nagmamaka-awa siya ng huwag payagang magtago ang mga Maute at iba pang mga terorista, na magkanlong sa kampo ng MNLF at MILF. Kung magaganap ito, mapipilitan siyang utusan ang mga kawal na habulin ang mga armadong ito sa kanilang nasasakupan.
Kung magaganap ito, hindi na niya mapipigilan ang paglawak ng impluwensya ng mga kabilang sa ISIS.
Kahapon, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang Islamic State In Syria ay tumawag na kay Isnilon Hapilon noong Disyembre na humingi ng pook sa Mindanao upang magtatag ng caliphate sa magulong bahagi ng Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |