|
||||||||
|
||
Panunungkulan ni Pangulong Donald Trump, makasasama sa maliliit na bansa
SA pag-upo ni Pangulong Donald John Trump bilang ika-45 pangulo ng America, maraming nangangamba sa kinabukasan ng foreign policies. Ito ang pananaw ng research group na kilala sa pangalang IBON.
Para sa Pilipinas na ang ekonomiya ay apektado ng Estados Unidos sa mga nakalipas na dekada, pagkakataon na itong pag-isipang muli ang economic polices at relasyon hindi lamang sa nangungunang superpower kung sa ibang mga bansang mayroon ding interes sa Pilipinas tulad ng America.
Sa kanyang paboritong pangakong "make America great again" at sa kanyang mga binitawang pahayag na 'America first', 'buy America, 'hire America' at ang pagbabasura sa Trans Pacific Partnership mas pahahalagahan ang direktang negosasyon sa mga bansa ang nagpapakita lamang ng mas agresibong Estados Unidos sa pakikipagkalakal sa ibang mga bansa. Anang IBON, nananatiling naghihhingalo ang ekonomiya ng America kahit pa lumalabas sa balitang nakakabawi na ito.
Napuna ng IBON na sa pagpapasidhi ng proteksyonismo ng America, malamang na magkaroon ng ibayong market-oriented policies sa Pilipinas at sa ibang bansa sa Asia Pacific tulad ng sa iba't ibang samahan na kinabibilangan ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) at Association of South East Asian Nations (ASEAN).
Mahalaga ang Asia Pacific sa ekonomiya ng America sapagkat ito ang pinagmumulan ng higit sa kalahati ng blobal gross domestic product, halos kalahati ng pandaigdigang kalakal at 60% ng buong US trade, dagdag pa ng IBON.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |