|
||||||||
|
||
20170228maarte.mp3
|
Mga kaibigan, noong nakaraang linggo, ibinahagi naming sa inyo ang Guqin. At para sa programa ngayong gabi, ibabahagi ikukuwento naman namin ang isa pang matandang instrumentong Tsino, ang Pipa, o Chinese Lute.
Ang Pipa, o Chinese Lute
Di tulad ng mabagal at mababang tunog ng Guqin, ang tune color ng Pipa ay bright at lively. Naimbento ito noong Qing Dynasty (221 BC - 207 BC). Mayroong itong "ulo" na may sound box at "katawan" na may 4 na strings. Noong ancient China, ang ulo't katawan ng Pipa ay gawa sa kahoy, at ang strings nito ay gawa sa seda. Noong panahong iyon, ang pagtugtog ng Pipa ay isang eleganteng akdibidad.
Ang "The Spring and the Snow" ay isa sa mga pinakakilala at pinakamatandang musika gamit ang Pipa.Ayon sa records, ang composer ng The Spring and the Snow ay si Shi Kuang, isang Pipa player at composer na nabuhay sa Spring and Autumn period (770-476 B.C.). Siya ay ipinanganak na bulag, pero, matalino at mayroong mataas na talento sa iba't ibang sining; pangunahin na, sa musika. Ayon kay Shi Kuang, inilalarawan ng musikang The Spring and the Snow ang magagandang tanawin sa tagsibol at taglamig, at masayang mood ng mga tao na dulot ng kalikasan.
Bilang mahalagang instrumentong Tsino, sa loob ng mahigit 2000 taon, nairekord ang maraming kuwentong pangkasaysayn sa pamamagitan ng Pipa. Halimbawa, ang matandang musika ng Pipa "Away from Homeland."
Ang musikang ito ay nagsasalaysay ng kuwento ni Wang Zhaojun, isang magadang babae na nabuhay sa Han Dynasty. Noong panahong iyon, mayroong digmaan sa pagitan ng Han nationality at Xiongnu nationality. Para itigil ang digmaan, ipinadala ng hari ng Han nationality si Wang Zhaojun sa malayong Xiongnu kingdom, para maging asawa ni Chanyu, hari ng Xiongnu nationality. Ang musikang "Away from homeland" ay nilikha para sa kanya, at inilalarawan ng musikang ito ang malungkot na mood ni Wang Zhaojun.
Si Wang Zhaojun sa traditional Chinese painting
Bukod sa gentle tune, ginagamit din ang pipa para ilarawan ang mga tagpong military. "Ambush", isa pang kilalang klasikong musikang inilaro ng Pipa, ay nagkukuwento ng isang labanan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |