|
||||||||
|
||
Pilipinas, aayusin ang mga pasilidad sa kapuluan sa South China Sea
AAYUSIN lamang ang mga pasilidad sa mga pulo at batuhan sa South China Sea at hindi papasok sa mga pulong walang tao sapagkat lalabag ito sa 2002 informal code sa pinagtatalunang karagatan.
Ito ang sinabi ng defense at military officials. Isang pahayag na mula sa tanggapan ni Pangulong Duterte ang nagsabing inutusan niya ang mga kawal na pumasok sa mga walang taong pulo sapagkat sakop naman ng Pilipinas ang bahaging ito ng karagatan. Ang pahayag na ito ay ikagagalit ng Tsina.
Baka dumalaw siya sa isa sa mga pulo at magtaas ng bandila ng Pilipinas. Niliwanag ng mga opisyal ng tanggulang pambansa at sandatahang lakas ng Pilipinas.
Maliwanag umano ang kautusan ng pangulo, pasukin ang mga pulong hinahabol ng Pilipinas. Hindi papayagang gawin ito ng Plipinas, ang pumasok sa mga bagong pulo ayon sa isang kasunduan noong 2002.
Sinasabi ng Tsinan a halos lahat ng karagatan sa South China Sea ay pag-aari nila, sa karagatang pinaglalayagan ng may US$ 5 trilyong halaga ng kalakal ang dumaraan. Mayroon ding paghahabol ang Brunei, Malaysia, Vietnam at Taiwan bukod sa Pilipinas.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, ang kahulugan ng pahayag na ito ay ang mga pulong may mga kawal na Filipino.
Idinagdag naman ng isang general na nakababatid ng mga pangyayari na mayroong development plans sa South China Sea noong 2012na kinabilangan ng pagtatayo ng daungan sa Thitu island at mga helipad sa mga mas maliliit na pulo. Natigil ang pagpapatupad ng programa ng dumulog ang Pilipinas sa arbitration case sa Netherlands.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |