|
||||||||
|
||
America at Kuwait, tumulong sa pagdakip sa dalawang pinaghihinalaang may koneksyon sa ISIS
DINAKIP ng mga intelligence operatives ng Philippine Army kasama ang mga tauhan ng pulisya at immigration bureau sina Hussein Aldhafiri at Rahaf Zina Dhafiri sa Bonifacio Global City noong isang buwan sa paghihinalang may koneksyon sila sa ISIS.
Nakatulong ang mga Americano at Kuwait officials sa pagdakip sa dalawa. Kahapon lamang inilabas ang balita sa pagkakadakip sa mga pinaghihinalaan. Nakaposas ang dalawa at hindi pinayagang magsalita.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, hindi muna inilabas ang impormasyon sapagkat inalam pa ang mga Filipinong kasabwat ng dalawa. Sapagkat walang anumang naganap na kaguluhan, naniniwala si G. Aguirre na napigil ang paglago ng ISIS sa Pilipinas.
Si Aldhafiri, 40 taong gulang ay sinasabing isang Kuwaiti national at isang manggagawa ng bomba na tumutulong sa pagsalakay sa Kuwait at posibleng sa Pilipinas. Samantalang inilalabas sa silid, sumigaw si Aldhafiri na kailangan niya ng abogado.
Si Dhafiri ay 27 taong gulang na isang Syrian at balo ng isang nangungunang IS group commander sa Syria at naging kinakasama ni Aldhafiri. Buntis umano si Dhafiri at malamang na ipatapong pabalik sa Qatar.
Nagtungo ang dalawa sa Davao City at Cebu City at nanirahan ng ilang araw sa mga lungsod na nabanggit.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |