Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Templo ng Shaolin

(GMT+08:00) 2017-03-22 16:23:30       CRI

Ang Templo ng Shaolin, na matatagpuan sa Deng Feng City, sa Probinsyang Henan ng Tsina ay kilala sa pagiging isa sa mga sentro ng Budismo sa buong mundo. Ito ay inilagay sa listahan ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong 2010. Ito ay itinayo 1,500 taon na ang nakakaraan.

Ang pangalang Shaolin ay hango sa pangalan ng Bundok Shaoshi (Shao), at Lin na nangangahulugang kagubatan (lin). Kaya ang ibig sabihin ng Shaolin ay isang templong nasa paanan ng Bundok Shaoshi at napaliligiran ng kagubatan. Ang unang abott ng Templo ng Shaolin ay si Batuo, na kilala rin sa pangalang Fotuo at Buddhabhadra. Siya ay isang budistang nagpunta sa Tsina noong 464 AD upang ipalaganap ng aral ng Budismo.

Bukod sa pagiging templo ng Budismo, ang Shaolin Temple ay kilala rin sa pagiging sentro ng martial arts o sining ang pakikipagdigma. Maraming pelikula sa Holywood at saanmang dako ng mundo ang nagpapakita ng kahanga-hangang estilo ng martial arts ng Shaolin, at sigurado akong maraming Pinoy ang nakapanood at nakakapanood ng mga ito. Sa totoo lang kapag sinabing Shaolin, pumapasok agad sa isipan ng maraming tao ang tungkol sa Wushu.

Subalit, bakit ba nagkaroon ng Wushu ang Shaolin Temple na isang lugar ng pagdarasal at paghahanap ng kapayapaan? Paano nabuo at nagsimula ang martial arts dito?

Kamakailan ay pinalad po tayong mapunta at mabisita ang Shaolin Temple at doon, nakapanayam po natin ang isang dating monghe. Ayon sa kanya, dahil ang Shaolin Temple ay naitayo sa gitna ng kagubatan, maraming mababangis na hayop ang naglipana sa paligid nito, kaya naman kinailangan ng mga sinaunang monghe ng Shaolin na protektahan ang kanilang mga sarili laban sa mga hayop. Pinagmasdan nila kung paano gumalaw ang mga hayop sa kagubatan at pinag-aralan nila kung paano nabubuhay ang mga ito. At base sa galaw ng mga hayop, nabuo ang mga sinaunang porma ng Shaolin o Shaolin Wushu. Sa pagdaan ng panahon, lalo pa nilang idinebelop ang mga galaw hanggang sa marating ang kasalukuyan nitong porma.

Hindi lang laban sa mababangis na hayop ginamit ang Shaolin Wushu, nagkaroon din ito ng mahalagang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at katiwasayan sa sinaunang Tsina. May mga kuwento pa nga na iniligtas ng ilang monghe ng Shaolin ang isang emperador ng Tsina nang mabihag ito ng masasamang loob.

Kung mapapansin po ninyo, ginagamit ko ang salitang WUSHU kapag pinatutungkulan ang martial arts ng Shaolin. Kadalasan kasing sinasabi na "Shaolin Kungfu" at hindi "Shaolin Wushu." Ano nga ba ang tama? Ayon sa mongheng ating nakapanayam, ang salitang WUSHU ay nahahati sa dalawang bahagi: Wu: na nangangahulugang Pakikipaglaban o Pakikidigma, at Shu: na nangangahulugang Kakayahan/Paraan/Sining. Kaya, ang salitang WUSHU, sa madaling salita ay Kakayahan/Paraan/Sining ng Pakikipaglaban o Martial Arts. Ito ang dahilan kung bakit ko ginagamit ang salitang WUSHU kapag pinatutungkulan ang martial arts ng Shaolin, dahil tinutukoy lang po natin ang kanilang sining ng pakikipaglaban o WUSHU.

Sa kabilang dako, ang salitang KUNGFU ay isang malawak, malalim, at napakalaking konsepto. Ito ay maaaring ipatungkol sa maraming bagay, at hindi lamang sa martial arts o WUSHU. Ang salitang KUNGFU, sa pangkalahatan ay maaaring sabihin na pamamaraan ng buhay sa mundo at sanlibutan. Ito ay maaring tumukoy sa kakayahan sa pagsulat, kakayahan sa pag-awit, pagtula, pagsasalita, kakayahan sa pagluluto, pag-ihip ng hangin, pag-ikot ng mundo sa araw, etc.

Kung ikaw ay magaling na guro, maaaring sabihin na magaling ay iyong KUNGFU sa pagtuturo; kung ikaw ay magaling na doktor, maaaring sabihin na magaling ang iyong KUNGFU sa panggagamot; kung ikaw ay isang kilalang siyentista, maaaring sabihin na magaling ang iyong KUNGFU sa pag-aaral, kung ikaw ay magaling sa WUSHU, pwedeng sabihin na magaling ang iyong KUNGFU sa WUSHU, etc.

May kasabihan dito sa Tsina, na lahat ng bagay na naririto sa mundo ay KUNGFU.

Nabanggit po natin kanina na pinalad akong magkaroon ng pagkakataong kapanayamin ang isang dating monghe ng Templo ng Shaolin.

Si Shi Yanzi ay nagsimulang mag-aral sa Shaolin Temple mula sa murang edad. Mula sa kanyang lolo at tatay, pangarap na nilang makapag-aral sa Shaolin Temple, at sa pamamagitan niya, natupad ang pangarap na ito. Mula sa probinsyang Inner Mongolia, bumiyahe si Shi Yanzi patungong Shaolin Temple at nagpunyagi upang matutunan ang buhay ng isang monghe at matutunan ang Shaolin Wushu o Shaolin Martial Arts.

Dahil sa kanyang walang sawang pagsisikap, kinakitaan siya ng potensyal ng abbot ng templo. Tinuruan siya nang maigi, at isinama sa mga pagtatanghal sa buong mundo.

Sa ngayon, lumabas na siya sa pagiging monghe upang tuntunin ang isang panibagong landas: ang pagbabahagi ng kulturang Tsino at Shaolin Wushu sa buong mundo. Aniya, maaaring nagsimula ang Shaolin Wushu sa Tsina, subalit ito ay hindi pag-aari ng Tsina: ang Shaolin Wushu ay pag-aari ng sangkatauhan, kaya nararapat lamang na ibahagi ito sa lahat.

Shaolin Kids

 

Shi Yanzi

Rhio (kaliwa) at Shi Yanzi (kanan)

 

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v AIIB, ano nga ba ito? 2017-03-04 17:19:34
v Astig na Kaalaman Tungkol sa Tsina 2017-02-17 16:15:43
v Tradisyonal na love songs ng Tsina 2017-02-15 19:21:12
v Chun Jie Kuaile 2017-02-08 15:51:44
v Turismo ng Pilipinas, patok sa Tsina 2017-01-06 11:08:50
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>