Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sagupaan, naganap sa unang pagkakataon sa pagitan ng pinaghihinalaang Abu Sayyaf at mga alagad ng batas sa Bohol

(GMT+08:00) 2017-04-11 18:11:51       CRI

Sagupaan, naganap sa unang pagkakataon sa pagitan ng pinaghihinalaang Abu Sayyaf at mga alagad ng batas sa Bohol

TATLONG kawal at isang pulis at limang Abu Sayyaf sa sagupaang kinatampukan ng mga armadong pinaniniwalaang kasapi ng Abu Sayyaf sa isang barangay sa Bohol kanina.

Ayon sa nilagdaang pahayag nina Lt. General Oscar T. Lactao, commanding general ng AFP Central Command at ni Chief Supt. Noli Talino, Regional Director ng Philippine National Police sa Central Visayas, tumugon lamang ang mga alagad ng batas sa ulat na natanggap mula kay Governor Edgar Chatto at mga mamamyang nagbantay sa kanilang nasasakupan.

Isang operasyon ang inilunsad laban sa mga pinaghihinalaang kasapi ng Abu Sayyaf na nakarating sa Kabisayaan sakay ng kanilang mga bangka. Natunugan ng mga taga-Bohol ang pagdating ng mga Abu Sayyaf. Nagsimula ang sagupaan kaninang pasado alas singko ng umaga at nakapaslang sila ng limang mga pinaniniwalaang Abu Sayyaf, at nakabawi ng tatlong armalite at isang M14 rifles pagsapit ng ala-una ng hapon kanina.

Tuloy pa rin ang operasyon laban sa mga armado hanggang kaninang ikatlo ng hapon. Tatlong kawal at isang pulis ang napaslang sa operasyon laban sa mga armadong grupo.

Magugunitang naglabas ng babala sa kanilang mga mamamayan ang Embahada ng Estados Unidos at Australia mga ilang araw na ang nakalilipas. Pinayuhan ang mga Americano at Australiano na huwag munang maglakbay sa Central Visayas dahil sa napipintong banta mula sa mga terrorista.

Ayon sa impormasyon, sa kanyang pakikipag-usap sa mga mamamahayag, sinabi ni PNP Director General Ronald dela Rosa na nagtatago ang mga armado sa tatlong tahanan sa barangay.

Sinabi naman ni Col. Edgard Arevalo, hepe ng Public Information Office ng Armed Forces of the Philippines na tuloy pa rin ang pagsisiyasat sa layunin ng mga Abu Sayyaf sa Bohol.

Dumating ang grupo ng mga armado sa Bohol noong Lunes na kagabi at natunugan ng mga mamamayan. Sakay ng tatlong speed boat ang sampung armado at nakita sa isang ilog sa Sitio Ilaya, Barangay Napo sa Inabanga.

May natanggap ding balita na nakita ang grupo ng sub-leader na si Abu Rami sa Sindangan, Zamboanga del Norte mga ikalima ng hapon noong Lunes. Nagbabalak umanong magsagawa ng kidnapping ang grupo sa Bohol.

Martes ng umaga ng nagkasagupa ng mga kawal ang mga armadong tao ganap na ikapito ng umaga. Ayon kay General Eduardo Ano na nagpadala na siya ng mga kawal ng Philippine Army, Air Force at Navy upang ituloy ang operasyon.

Ang Bohol ay isa sa pinakapaboritong dalawin ng mga banyaga at turistang mga Filipino dahil sa magagandang tanawin at malinis na kapaligiran. Sa pangyayaring ito, mababawasan na naman ang bilang ng mga dadalaw sa bansa sa taong ito.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>