|
||||||||
|
||
Australia, nagbabala na rin sa kanilang mga mamamayan
PINAYUHAN ng Australia ang kanilang mga mamamayan na maging maingat sa paglalakbay sa Pilipinas dahil sa posibilidad na pananalakay ng mga terorista at mataas na antas ng krimen.
Inilabas ng Australian Embassy ang kanilang pahayag noong Lunes. Napapaloob sa kanilang travel advisory mula sa kanilang Department of Foreign Affairs and Trade para sa kanilang mga mamamayang nagbabalak dumalaw sa Bohol at Cebu na pagbalik-aralan ang kanilang personal security plans.
Kasunod ito ng pahayag ng Embahada ng Estados Unidos na maging maingat sapagkat may posiblidad na mang-dukot ang Abu Sayyaf.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng Embahada ng Australia na makinig sa media at iba pang mapagkukunan ng impormasyon ang kanilang mga mamamayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |