|
||||||||
|
||
Ekonomiya ng Pilipinas, lalago ng malapit sa 7% sa susunod na tatlong taon
INAASAHANG lalago ang Pilipinas ng malapit sa pitong porsiyento sa susunod na dalawa o tatlong taon at mangunguna sa Silangang Asia at Pacific region. Ito ang napapaloob sa Philippines Economic Update.
Ayon kay Mara K. Warwick, country director ng World Bank sa Pilipinas, ang anumang kaunlarang nakamtan sa nakalipas na ilang taon ang nakadagdag sa mga trabaho o hanapbuhay at kabawasan sa bilang ng mahihirap. Malaki ang posibilidad na lumago ang ekonomiya ng 6.9% sa 2017 at 2018 at 6.8% sa 2019. Mas marami ng makikinabang sa kaunlarang makakamtan.
Makakatulong din ang pangako ng pamahalaang gumastos ng mas maraming salapi sa pagpapagawa ng infrastructure. Sa pangyayaring ito higit na lalakas ang business at consumer confidence.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |