Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tradisyonal na instrumentong Tsino:Suona

(GMT+08:00) 2017-05-16 18:05:57       CRI

Mga kaibigan, para sa gabing ito, tungkol sa isa na namang instrumentong Tsino ang aming ibabahagi sa inyo. Ito ang Suona.

Chinese Painting hinggil sa Suona

 

Sa totoo lang, ang Suona ay hindi talaga naimbento sa Tsina. Ang orhinal na inventor ng Suona ay Persian. Noong mga 3rd century AD, ito ay naipakilala sa Tsina. Pero, pagkaraan ng 1,800 taong pagunlad, ang Suona ay naging integral na bahagi ng sining Tsino.

Sa proseso ng pagpapaunlad, ang Suona ay nagkaroon ng maraming iba't ibang hugis, mahabang Suona, maliit na Suona, Key Suona at iba pa, pero, hindi nagbago ang pinakamahalagang katangian nito: malakas at mataas na tono.

Ang mga magsasaka sa Shaanxi, naglalaro ng Suona

Sa Tsina, malawak ang lugar kung saan naging popular ang Suona, mula hilaga hanggang timog. Malawakan ding ginamit ang Suona sa iba't ibang okasyon. Sa mga kasalan, libing, sakripisyal na aktibidad, pagtatanghal sa kalye, at marami pang iba. Ang unang musikang ibabahagi namin sa inyo ay ginagamit sa kasalan; at ang pamagat nito ay "Carrying the Bridal Sedan Chair." Ayon sa tradisyonal na kagawian ng kasalang Tsino, dapat ipadala ng pamilya ng lalaki ang napakagandang kulay pulang bridal sedan chair sa bahay ng babae, at ang babae ay pupunta sa bahay ng lalaki sakay ng upuang ito. Ang upuan ay papasanin ng 2 batang lalaki. Pero para sa mayamang pamiliya, ang upuan ay pinapasan ng 8 katao. Ang "Carrying the Bridal Sedan Chair" ay musika na tinutugtog kasabay ng pagpunta ng babae sa bahay ng lalaki, sakay ng pulang bridal sedan chair.

Suona sa tradisyonal na Chinese Wedding

Sa Tsina, mas popular ang Suona sa mga ordinaryong tao. Ito ay napakahalagang instrumento sa folk music ng Tsina, partikular na sa mga hilagang lalawigang kinabibilangan ng Hebei, Shandong at iba pa. Maliwanag ang tono ng Suona kaya madalas itong ginagamit ng mga tao sa mga pestibal. Ang "Open the Door" ay isang musika ng Suona na naglalarawan ng pestibal ng mga mamamayang Tsino. Makinis ang tono, masaya ang mood, at ito'y nagpapakita ng ng pagbati sa isa't isa ng mga tao sa tuwing pestibal.

Siyempre, bukod sa masayang musika, maaaring ipakita rin ng Suona ang malungkot na emosyon. Ang last song na ibabahagi namin ngayong gabi ay isang musika, na nagpapakita ng mood ng isang taong name-miss ang kanyang lupang tinubuan.Tulad nito, "The Homesick."

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Chinese Folk Song:Suzhou Pingtan 2017-05-11 17:10:24
v Chinese Folk Music: Er Ren Zhuan 2017-05-03 17:06:25
v The Peking Drum Song 2017-03-15 17:20:36
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>