|
||||||||
|
||
20170509pintanweb.mp3
|
Mga kaibigan, sa mga nakaraang programa, narinig ninyo ang mga folk music sa dakong hilaga ng Tsina na tulad ng Xin Tian You sa ShaanBei, at Er Ren Zhuan sa DongBei. Ngayong gabi, maglalakbay tayo sa dakong timog ng Tsina, at ibabahagi namin sa inyo ang isa sa mga represantive folk music form sa dakong Timog ng Tsina, ang "Pingtan".
Ang dalawang performers ng Pingtan
Sa audio programe, ang unang musika na pinapakingan namin ay isang awitin sa kategorya ng Pingtan. Ito ang "Enjoying the Beauty of Lotus Flowers." Kapag tag-init, ang mga bulaklak ng lotus ay nakabukadkad, kaya inanyayahan ng lalaki ang kanyang asawa na pumunta sa hardin upang pagmasadan ang kagandahan ng mga bulaklak ng lotus. Iyan ang kuwento ng awiting inyong naririning.
Di tulad ng maingay na estilo ng mga folk music sa dakong hilaga, ang Pingtan ay malumanay. Pero, tulad ng Er Ren Zhuan, ang Pingtan ay itinatanghal ng dalawang tao. Ang aktor at actress ay kapuwa nakaupo sa silya. Ang aktor ay kadalasang tumutugtog ng Sanxian, samantalang ang aktres naman ay tumutugtog ng Pipa. Ang aktres pangunahing mang-a-awit sa pagtatanghal.
Mga kaibigan, ang susunod na awitin na ibabahagi namin, ay ang "Magandang Tanawin sa Gusu." Ang Gusu ay matandang pangalan ng Suzhou. Ang awiting ito ay represantative art work ng Pingtan. Ito ay naglalarawan ng ibat-ibang magagandang tanawin sa Suzhou, mula Enero hanggang sa Disyembre. Ang awiting ito ay lubos na nagpapakita ng pagmamahal ng mga artista ng Pingtan sa kanilang lupang tinubuan.
Ang Pingtan ay mayroong mahabang kasaysayan. Nagsimula ito noong Ming Dynasty, at ang hometown nito ay Suzhou, sa lalawigang Jiangsu ng Tsina. Kaya, tinatawag din itong "Pingtan ng Suzhou." Sa simula, ito ay isang lokal na art form sa lunsod ng Suzhou, kasi ang wikang gamit ng Pingtan ay dialekto sa lalawigang Jiangsu. Malaki ang pagkakaiba nito sa Mandarin, opisyal na wika ng Tsina.
Pero, noong mga 1840s, kasabay ng pagbubukas ng Shanghai, lunsod na malapit sa Suzhou, maraming taga-Suzhou ang pumunta sa Shanghai para maghanap ng mas mabuting buhay. Kasabay nito, nagkaroon ng malaking pag-unlad ang Pingtan. Bilang isang maunlad na internasyonal na lunsod, ang Shanghai ay nakatulong sa Pingtan upang makilala sa buong Tsina at daigdig. Narito ang "Song of Four Seasons," na kilalang awitin ng pelikulang "Angels on the Road" na napakapopular sa Shanghai noong 1930s. Inilalarawan ng awiting pagka-lovesick at pangungulila ng isang batang babae, mula tagsibol hanggang sa taglamig.
Isang matandang larawan noong 1960s, naririnig ang Pingtan ng maraming tao
Hinggil sa nilalaman ng Pingtan, tulad ng ibang operang Tsino na mayroong mahabang kasaysayan, ang maraming musika ng Pingtan ay base sa tradisyonal na alamat o kuwento ng Tsina, na tulad ng A Dream in Red Mansions, The Romance of West Chamber at iba pa.
Ang last song na ibabahagi namin sa inyo, ay isang matandang alamat ng Tsina, "Song of Mulan." Si Mulan ay isang batang babae na nabuhay sa sinaunang Tsina. Wala siyang kapatid na lalaki kaya, nang tanggapin ng kanyang pamilya ang utos mula sa emperador upang magpadala ng kawal para sa hukbo, ang tatay lamang niya ang maaring ipadala ng kanyang pamilya. Pero, matanda na ang tatay niya at may sakit kaya ipinasiya ni Mulan na magbalat-kayo bilang isang lalaki at sumabak sa digmaan. Ang matandang kuwentong ito ay kilalang kilala sa Tsina, kasi ito ay hindi lamang nagpapakita ng pagmamahal ni Mulan sa kanyang magulang, ipinakikita rin nito ang kanyang pagiging matalino at katapangan.
Isang Chinese Painting hinggil sa Pingtan
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |