Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Deklarasyon ng Martial Law, 'di pinag-isipan

(GMT+08:00) 2017-05-26 18:34:23       CRI

Deklarasyon ng Martial Law, 'di pinag-isipan

DI KAILANGAN ANG MARTIAL LAW SA BUONG MINDANAO. Ito ang sinabi ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa isang press conference sa kanyang tanggapan sa Makati kaninang umaga. Kailangang pag-isipang mabuti ang anumang deklarasyon sapagkat makaapekto ito sa kalakal at turismo. May mga tahona nasa paligid ni Pangulong Duterte na madaling mabahala, dagdag pa ni G. Ramos. (Melo M. Acuna)

MAAARING tama ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-deklara ng Martial Law subalit sa limitadong pook lamang ng Mindanao. Sa isang press conference, sinabi ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, matapos lumagda ang Moro National Liberation Front sa kasunduang pangkapayapaan sa Pamahalaan ng Pilipinas noong Setyembre 1996, nakamtan ng bansa ang pinakamataas ng Gross Domestic Product.

Malaki ang potensyal ng Mindanao at nagkaroon ng sub-regional group, ang Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines, na nararapat maging daan tungo sa kaunlaran. Ang Martial Law sa buong Mindanao na sasaklaw sa 28 milyong katao ay maaring tama sa pananaw ng pamahalaan ngayon subalit mas maraming mapayapang pook sa Mindanao na'di mangangailangan ng Martial Law.

Hindi na kailangan pang ideklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Visayas at Luzon sapagkat magpapakita ito ng pangamba ng mga nakaupo sa poder. May mga kasama umano si Pangulong Duterte na madaling mangamba.

Maipatutupad ito kung malawakan ang kaguluhan sa Mindanao. May kakayahan ang Armed Forces of the Philippines na mapigil ang kaguluhan tulad ng ginawa sa Bohol noong nakalipas na buwan.

Ang pagtutulungan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na suportado ng local officials ang magiging daan upang matapos na ang Martial Law.

Dapat pag-aralan ang anumang gagawing deklarasyon ng Martial Law sa alinmang bahagi ng Pilipinas, Kailangang mabatid ang tunay na lakas ng pamahalaan sa Mindanao, tulad ng Armed Forces of the Philippines at mga opisyal na halal at maging mga kabilang sa pribadong sektor.

Mas makabubuti sanang hindi na sumama ang iba pang opisyal sa Russia upang daluhan ang pangangailangan ng bansa. Binanggit niyang kailangang daluhan ang mga problema ng bansa at 'di na sumama pa sana sa bakasyon sa Russia.

Nabanggit ni G. Ramos na kahit naharap si noo'y Pangulong Corazon Aquino sa siyam na coup attempts ay 'di kailanman gumamit ng Martial Law at ang ginawa niya ay dumalaw sa mga kawal at pinalakas ang loob.

Hindi kailanman kailangang pabayaan ang economic growth ng Pilipinas sapagkat napakahalaga nito sa mga mamamayan. Naghahabol pa umano ang Pilipinas sa mga kalapit bansa sa ASEAN.

Isa si dating Pangulong Ramos sa sumuporta sa kandidatura ni Davao City Mayor Duterte noong nakakipas na taon.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>