|
||||||||
|
||
May mga banyagang kasama ang Maute at Abu Sayyaf
IBINALITA ni Brig. General Restituto Padilla, Jr., tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na mayroong Indonesian at Malaysian nationals na kabilang sa mga sumalakay sa Marawi City.
Sa isang press conference sa Davao City kaninang umaga, sinabi ni General Padilla na sa pagkakapaslang sa 12 mga kalaban ng pamahalaan, may mga banyagang nasawi.
Sinabi naman ni Solicitor General Jose Calida na may mga Malaysian at Indonesian na mula sa Singapore kasama ang ibang naglunsad ng jihad na kanilang ikinababahala. Kung noo'y mga Filipino ang kabilang sa Abu Sayyaf, mayroon ng idelohiya na mula sa ISIS. Nais nilang gawing bahagi ang Mindanao ng kanilang nasasakupan.
Sinabi ni General Padilla na nakipag-ugnayan na sila sa mga embahada ng mga banyagang sangkot sa sagupaan sa Marawi City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |