Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Deklarasyon ng Martial Law, 'di pinag-isipan

(GMT+08:00) 2017-05-26 18:34:23       CRI

Pangulong Duterte, nanawagan sa mga kawal, ituloy ang laban hanggang sa magwagi

HUMARAP si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal at mga tauhan ng Second Mechanized Regiment sa Mindanao at nanawagan sa mga kawal na ituloy ang pakikipaglaban sa mga Maute at Abu Sayyaf na sumalakay sa Marawi City.

Hindi umano digmaan ang nagaganap sa Marawi City kungdi operasyon ng pamahalaan laban sa mga terorista.

Sinabi ng pangulo na ang magkapatid na Maute ay mga dating pulis na nahumaling magtayo ng malaking laboratoryo ng shabu sa Lanao. Kinuha umano ng Maute Group si Isnilon Hapilon na may koneksyon sa ISIS mula sa Gitnang Silangan. Iginagalang siya ng kanyang mga tauhan.

Binanggit din ni Pangulong Duterte na nasa Pilipinas na ang ISIS. May mga tauhan umano ang Maute na mula sa dating grupo ng mga politico. Wala umanong nais mamatay sa mga sagupaan subalit kailangang harapin ng mga kawal at pulis ang masasamang loob.

Idinagdag pa niyang wala siyang magagawa kungdi ang ipagdasal ang mga kawal sa kanilang pakikipaglaban subalit mayroong mga kagamitan, sandata at air assets na magagamit sa operasyon.

Niliwanag niyang kung madadala pa sa usapan ang kaguluhan ay handa siyang humarap sa mga Maute subalit kung walang ibang paraan kungdi ang pakikipaglaban, wala siyang magagawa.

Binanggit niya ang kanyang pakikipag-usap kay Russian President Vladimir Putin at nakiusap na pagbilhan ng mga sandatang kailangan sa paglaban sa mga terorista. Kailangang mapanatili ang pakikipaglaban sa mga terorista ng huwag magkaroon ng "collateral damage" sapagkat kung hindi na papanig ang taongbayan sa pamahalaan ay tiyak na mahihirapan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Inulit din niya ang kanyang kautusang samsamin ang mga sandata ng mga kalaban lalo pa't saklaw ng Martial Law. Ang tanging kailangan ay ang Arrest Search and Seizure Order na lalagdaan ng AFP Chief of Staff na si General Eduardo Ano.

Nakatakda na umanong magretiro si General Ano ngayong darating na linggo subalit hindi siya magpapalit ng chief of staff sa gitna ng sagupaan sa Marawi City. Pinayuhan pa niya ang mga kawal na magbasa ng Bibliya, partikular ang Ecclesiastes upang mapagnilayan ang bahaging nagsasabing may panahon ang lahat. Ang panahon ngayon ay panahon ng pagwawagi sa mga kalaban ng pamahalaan, dagdag pa ng pangulo.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>