|
||||||||
|
||
Department of Health, tuloy sa pagtulong sa mga biktima ng kaguluhan
DEPARTMENT OF HEALTH, NAKIPAG-UGNAYAN NA SA MGA PAGAMUTAN. Ayon kay Director Gloria Balboa ng Department of Health, nakipagusap na silk sa mga pagamutan sa paligid ng Marawi City na tanggapin ang lahat ng magpapagamot. Sasagutin ng PhilHealth ang gastos mule sa mga sagupaang nagaganap sa Marawi City. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Director Gloria Balboa ng Health Emergency and Disaster Bureau na sapat ang kanilang mga tauhan sa Lanao del Sur. Bukod sa mga manggagamot ng Department of Health sa loob ng Amai Pakpak Hospital, kasama na nila ang mga manggagamot at narses mula sa Philippine National Police.
Suprotado rin sila ng mga manggagamot at ng logistics mula sa labas ng Lanao del Sur tulad ng mga tauhan mula sa Cagayan de Oro City at maging sa Cotabato City. Kung magkukulang pa ang kanilang mga tauhan makakakuha sila mula sa Kabisayaan at maging sa Luzon sa kanilang Central Office sa Maynila.
May koordinasyon na rin sa mga pagamutan sa paligid ng Marawi City na tatanggap ng mga pasyente, may sugat at maysakit at sasagutin ng PhilHealth ang gastos. Wala umanong tatanggihan ang mga pagamutang ito. Mayroon ding sapat na gamot para sa mga pasyente sa mga pagamutan ng pamahalaan, dagdag pa ni Director Balboa.
Niliwanag niyang kailangan din ng debriefing ng kanilang mga tauhan kaya't mahalaga ang koordinasyon sa iba't ibang tanggapan ng Kagarawan ng Kalusugan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |