Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbabago sa paraan ng paglutas sa illegal drugs napapanahon

(GMT+08:00) 2017-06-21 19:13:41       CRI

 

Pagbabago sa paraan ng paglutas sa illegal drugs napapanahon

PAGBABAGO SA PARAAN NG PAGSUGPO NG ILLEGAL DRUGS KAILANGAN. Naniniwala si General Dionisio Santiago, dating director general ng Philippine Drug Enforcement Agency na kailangang pagbalik-aralan ang sistema ng pagsugpo sa illegal drugs. Bucked sa rehabilitation, kailangang masugpo ang problema sa pamilya at kahirapan. (Melo M. Acuna)

IMBESTIGASYON NG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS TULOY PA RIN. Sinabi ni Atty. Jackie dela Rosa na tuloy ang kanilang ibestigasyon sa mga kaduda-dudang pagpatay. May 20 usapin na ang nakarating sa hukuman sa pamamagitan ng CHR. (Melo M. Acuna)

 

PAGBABAWAS NG SUPPLY MAHALAGA. Naniniwala si Bb. Maria Lourdes Sare, isang clinical psychologist ng National Centre for Mental Health na sa oras na mabasawan ang supply ng illegal drugs, maraming mga nagbabagong buhay ang makababalik msa maayos na kalagayan. May pag-asa ang mga drug dependent sa oras na walang supply. (Melo M. Acuna)

NANINIWALA ang mga dalubhasang dumalo sa Wednesday Roundtable @ Lido na kailangang baguhin ang paraan ng paglutas sa problemang dulot ng illegal drugs.

Ayon kay General Dionisio Santiago, dating pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), bukod sa walang humpay na operasyon laban sa mga sindikatong nakikinabang sa illegal drugs, kailangang masugpo ang problema sa loob pa lamang ng tahanan. Nagmumula ang problema sa kawalan ng pag-uusap sa pagitan ng mga magulang at kanilang mga supling.

Kailangang dakpin ang mga taong sangkot sa illegal drugs upang maipasok sa rehabilitation centers. Bagaman, idinagdag ni General Santiago na karamihan sa mga drug dependents ang mula sa mga mahihirap kaya't hindi basta makapapasok sa rehabilitation centers sapagkat walang maghahanapbuhay para sa pamilya.

Sinabi naman ni Atty. Jackie dela Rosa, tagapagsalita ng Commission on Human Rights na sinisiyasat nila ang may 516 na kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ng 646 na biktima.

Nabatid na mayroong 276 biktima ang napaslang sa police operations samantalang pinaniniwalaang kagagawan ng mga vigilante ang pagkasawi ng 240 iba pa.

Niliwanag ni Atty. Dela Rosa na may 20 usapin na ang nadala nila sa hukuman at 'di magtatagal ay magkakaroon na ng paglilitis.

May 90% ng mga usapin ang kanilang siniyasat ng walang sinumang interesado sa usapin sapagkat naniniwala silang ayon sa kanilang mandato ang magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon sa kinatawan ng Directorate for Investigation and Detective Management, mayroong 8,669 na pagpatay na 'di pa mabatid ang dahilan o motibo. Mayroong 1,810 pagdakip na naganap na kinabibilangan ng 86 na drug-related arrests. Mula sa 1,387 na usaping ipinarating sa hukuman na hindi pa nadarakip ang akusado, 177 ang drug-related samantalang ang 1,207 ay mga usaping walang koneksyon sa droga.

Hindi pa tapos ang imbestigasyon sa pagpatay sa may 8,669 na papatay.

Pinakamaraming napaslang sa National Capital Region sa pagkakaroon ng 2,560 kaso. Pangalawa naman ang Region IV-A o CALABARZON na nagtamo ng 1,653 napatay at pangatlo ang Region III o Central Luzon na kinatagpuan ng 1.143 kaso ng mga napaslang. Pang-apat ang Region XI o Davao na mayroong 845 kaso at panglima ang Region XII na nagkaroon ng 718 kaso ng pagpaslang.

Mula sa 12,833 kaso ng pagpatay sa buong bansa, nalutas ng pulisya ang 2,480 at nagkaroon ng clearance ang 1,684 na insidente. Under investigation pa rin ang 8,669 na kaso.

Sa panig naman ni Ma. Lourdes Sare, isang clinical psychologist mula sa National Center for Mental Health, may pag-asa pa ring gumaling ang isang nalulong sa illegal na droga. Kailangan lamang na mawala ang supply nito upang huwag nang bumalik pa sa bisyo ang isang nagbabagong-buhay.

Kailangang suriing mabuti ang magiging papel ng mga sangkot sa criminal justice system sa bansa, dagdag na naman ni General Santiago. Mahalaga ang pagtutulungan at pag-uugnayan ng mga mula sa komunidad, pag-uusig, hudikatura, sektor ng correctional, alagad ng batas.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>