|
||||||||
|
||
Pinagsanib na patrolya ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia, inilunsad
PINAGSANIB NA PATROLYA SINIMULAN NA. Makikita sa larawan sina Defense Secretary Delfin Lorezana, Minister Ryacudu nag Indonesia at Hasshammudin ng Malaysia sa paglulunsad ng tripatrol laban sa mga terrorista at mga pirata sa hangganan ng tatlong bansa. Naganap ang seremonya noong Lunes. (DND Photo)
INILUNSAD ni Defense Secretary Delfin Lorenza kasama sina Minister Ryacudu ng Indonesia at Hisshammudin ng Malaysia kamakalawa ang pinagsanib na pagpapatrolya ng tatlong bansa sa karagatan.
Sa pagtaas ng bilang ng pamimirata, kidnapping at iba pang transnational crimes sa hangganan ng tatlong bansa, nagkasundo ang tatlong kasapi ng ASEAN na magkaroon ng tinaguriang cooperative arrangement. Inaasahang makatutulong ito sa pagsugpo sa paggalaw ng mga extremists at terorista sa hangganan ng tatlong bansa. Sa lawak ng karagatan, kailangan lamang magtulungan, dagdag pa ni Secretary Lorenzana.
Makadadalo ang mga magpapatrolya sa mga sasakyang-dagat na mangangailangan ng tulong sapagkat mayroong tatlong hukbong-dagat na tutugon. Sa paglulunsad, nagsagawa sila ng eksenang mangangailangan ng tulong ang isang pribadong sasakyang-dagat at ipinakita ang kakayahan ng mga koponang kalahok sa paglulunsda.
Mayroon nang military coordination centers. Pinasinayaan din ang MCC ng Indonesia sa Tarakan. Mayroon na ring MCC sa Bongao, Tawi-Tawi at sa Tawau sa Malysia.
Dumalo at sumaksi sa okasyon sina Senior Minister of State for Defense Dr. Mohamad Maliki Bin Osman ng Singapore at Deputy Defense Minister ng Brunei Dato Seri Pahlawa Abdul Aziz bin Maji Mohgn Tamid.
Ani Secretary Lorenzana, sa pagkakaroon ng malaking suliranin sa seguridad, kailangan ang pagtutulungan sa pagpapatrolya sa karagatan. Magkakaroon din ito ng magandang epekto sa Brunei at Singapore, dagdag pa ni G. Lorenzana. Pag-iibayuhin ng tatlong opisyal ang pagtutulungan sa mga susunod na panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |