|
||||||||
|
||
Pagpapababa sa usaping murder laban sa mga pulis, ikinabahala
POSIBLENG dumulog sa Court of Appeals ang interesadong magtanong sa desisyon ng Departmen of Justice na ibaba ang kasong murder laban sa mga pulis na may kinalaman sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr.
Ayon kay Senate Minority Leader at dating Justice Secretary Franklin M. Drilon, posibleng maging co-intervener ang Senado. Ayon umano sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Narciso v. Cruz, sinabi ni G. Drilon na ang sinumang argabyado, tulad ng pamilya Espinosa, ay maaaring magdala ng usapin sa Court of Appeals.
May sapat umanong ebindesya laban sa mga akusado kaya't ang pamilya ng mga apektado ay maaaring dumulog sa Court of Appeals sa desisyon ng Department of Justice at ng Regional Trial Court na kasuhan na lamang ang mga pulis ng homicide dahil sa "grave abuse of discretion."
Interesado ang Senado sapagkat naniniwala sila na pinatay si Mayor Espinosa matapos pagbalakan at pagkakaroon ng pagabuso sa kanilang posisyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |