|
||||||||
|
||
NABABAHALA ang anim kataong minority bloc sa Senado sa pagpapababa ng reklamo laban sa mga pulis na akusadong pumaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Sa isang resolusyon na nilagdaan nina Minority Leader Franklin Drilon at mga Senador na sina Francis Pangilinan, Risa Hontiveros, Leila de Lima, Paolo Benigno "Bam" Aqquino IV at Antonio Trillanes IV, nanawagan sila sa angkop na lupon na alamin kung bakit hindi pinansin Kagawaran ng Katarungan ang rekomendasyon ng Senado.
Ayon sa Senate Public Order Committee na pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson, ang kamatayan ni Espinosa ay isang "premeditated murder" at sumang-ayon ang Senado sa pahayag ng komite.
Idinagdag ng senate minority na walang sapat na ebidensya at dahilan upang palabnawin ng Department of Justice ang kanilang naunang nabatid. Napatay si Espinosa at ang kapwa niya detenidong si Raul Yap matapos umanong manglaban sa mga pulis na pinamumunuan ni Supt. Marvin Marcos na may dalang warrants of arrest sa loob ng Leyte Sub-Provincial Jal sa Baybay City noong ikalima ng Nobyembre.
Nararapat lamang umanong papagpaliwanagin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa naganap na pagbabago.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |