|
||||||||
|
||
Militar, nanawagan laban sa sinasabing "disinformation"
NANAWAGAN ang tagapagsalita ng Task Force Marawi na si Lt. Col Jo-Ar Herrera na huwag magkalat ng maling balita na nagnanakaw ang mga pulis at kawal sa mga tahanang kanilang napasok.
Inakusahan ng Integrated Bar of the Philippines sa Lanao del Sur ang mga militar nang paggawa ng mga illegal na paghahalughog at pagsamsam ng mga ari-arian ng mga taga-Marawi City.
SA isang press conference, sinabi ni Herrera na isinusugal ng mga kawal ang kanilang buhay sa mga sagupaan sa mga Maute.
Nanawagan si Herrera na tigilan ang mga akusasyon at pagkakalat ng maling balita. Nanawagan siya sa mga naging biktima na magreklamo upang makakilos ang kanilaning tanggapan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |