|
||||||||
|
||
Scorecard ni Pangulong Duterte, paksa bukas
PAG-UUSAPAN sa Wednesday Roundtable @ Lido ang unang taon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Malacanang. Nakatuon ang pagsusuri sa larangan ng ugnayang panglabas, pamamalakad sa pamahalaan lokal at pangbansa at daigdig ng kalakal at paggawa.
Inaasahang magbabahagi ng kani-kanilang pananaw sina Dr. Aileen Baviera ng Asian Center ng University of the Philippines hinggil sa foreign relations samantalang sa larangan ng ekonomiya at politika si Dr. Ramon Casiple ng Institute of Political and Economic Reforms.
Nakatakdang lumahok sa talakayan si Dean Ronald U. Mendoza ng Ateneo School of Government na tatalakay sa mga nagaganap at sa panukalang pederalismo. Magbabahagi naman ng kanyang pananaw si G. Sergio Ortiz-Luis na dating Chairman ng Employers Confederation of the Philippines.
Mula sa talakayang ito, maliliwanag ang mga nagawa at kailangang gawin ng iba't ibang sangay ng pamahalaan sa mga susunod na panahon. Isang malaking hamon ang magiging epekto ng kaguluhan sa Marawi City sa ekonomiya at imahen ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |