Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Magandang takbo ng ekonomiya at pagsusulong ng mga pagawaing-bayan, magdudulot ng kaunlaran

(GMT+08:00) 2017-07-06 17:47:53       CRI

MATATAG ang ekonomiya ng Pilipinas. Ito ang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia sa harap ng Italian Chamber of Commerce Infrastructure Forum sa Makati City kanina.

Patuloy na tumataas ang Gross Domestic Product sa nakalipas na tatlo at kalahating dekada kaya't isa ang Pilipinas sa pinakamaunlad ng ekonomiya sa daigdig.

Nagaganap na rin ang sinasabing structural transformation sapagkat ang sigla ng ekonomiya ay nagmumula sa investments at hindi sa consumption, Nangunguna na rin ang industry sector kaysa sa service sector.

Idinagdag pa ni Dr. Pernia na ang Total Factor Productivity ay tumataas din at mas mabilis kaysa mga kalapit bansa sa ASEAN. Magtatagal ang kaunlarang ito, dagdag niya.

Binanggit din ni Dr. Pernia na sa likod ng matatag na ekonomiya, malaki pa rin ang agwat ng mayayaman sa mahihirap sa buong bansa at nagaganap pa rin ang kahirapan.

Isinusulong ni Pangulong Duterte, dagdag pa ng kanyang socioeconomic planning secretary, ang kaunlarang pagrehiyon at pangkabukiran upang higit na makinabang ang mga mamamayan. Magaganap ito sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pagawaing-bayan sapagkat mangangailangan ng mga manggagawa, magpapasigla ng mga rheiyon at makatutulong na mapaglapit ang 'di pagkakapantay at mahihirap sa mayayaman.

Sa pamamagitan ng mga pagawaing-bayan sa ilalim ng Build, Build, Build program, malaki ang gagastusin sa pagawaing bayan sa halagang P 8.44 trilyon o US$ 168 bilyon sa susunod na anim na taon. Mula sa 5.32% ng GDP ang paggastos sa mga pagawing bayan, tataaas ito sa 7.45% sa taong 2022 at magkakaroon ng yearly average na 6.8% ng GDP ayon sa binabalak ngayon.

Magmumula ang pondo sa pamahalaan, overseas development assistance o ODA at salapi mula sa pribadong sektor. Mayroon umanong kinilalang 75 Flagship infrastructure projects at may 18 sa mga ito ang nakapasa na sa NEDA Board.

Kinikilala ng pamahalaan ang kahalagahan at bilis ng pagtatayo ng mga proyektong ito upang mapakinabangan kaagad. May mga pagpupulong nang naganap sa Japan, sa Asian Development Bank at ang pinakahuli ay ang Tsina at nagkasundong mamadaliin ang proseso ng pagsusuri at pagpapasa sa mga nakalaang proyekto. Walang humpay ang magiging pagtatayo ng mga proyektong ito, dagdag pa ni Dr. Pernia.


1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>