|
||||||||
|
||
Governor Marcos, tumangging may katiwalian sa transaksyon
TUMANGGI si Ilocos Norte Governor Imee marcos na mayroong katiwalian sa pagbili ng may P66.45 milyong mga sasakyan gamit ang tobacco excise tax na siyang paksa sa pagsisiyasat ng House of Representatives.
Naglabas ng subpoena ang House of Representatives at pinahaharap siya sa imbestigasyon sa darating na Martes, ika-25 ng Hulyo upang magpaliwanag sa isyu.
Wala umanong katiwalian sa pre at post-audit reports ng Commission on Audit at ang biniling mga sasakyan ay pinakinabangan naman ng mga mamamayan. Ito ang buod ng kanyang pahayag na idinaan sa kanyang abogadong si dating Solicitor General Estelito Mendoza.
Tumugon umano sa procurement law at mga kondisyon para sa lawful cash advances. Hindi umano opisyal ang isang dokumentong mula sa Commission on Audit.
Sinisiyasat ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang sinasabing maling paggamit ng P66.45 milyong halaga ng mga sasakyan. Bumili ang pamahalaan ng Ilocos Norte ng 40 minicabs, limang bus at 70 mini-fire trucks mula 2011 hanggang 2012 ng walang public bidding.
Ayon kay ABS Party-List Congressman Eugene de Vera, wala sa mga sasakyang iyo ang nakarehistro sa ngalan ng pamahalaang panglalawigan ng Ilocos Norte.
Niliwanag naman ni Governor Imee Marcos na walang overpricing sa kanyang mga biniling mga sasakyan. Kasabay ito ng kanyang panawagan sa House of Representatives na palayain na ang anim na kawani ng Ilocos Norte Provincial Government. Sapat na umano ang paghihirap na dinanas ng mga kawani.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |