|
||||||||
|
||
Mga Maute ang humiling ng pag-uusap at 'di si Pangulong Duterte
SINABI ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang panig ng mga Maute ang humiling ng backchannel talks sa kainitan ng sagupaan sa Marawi City at hindi si Pangulong Duterte. Taliwas ang pahayag na ito sa sinabi ng iginagalang na Muslim na tinalikdan ni Pangulong Duterte ang pakikipag-usap sa mga Maute.
Ani G. Abella, ang mga Maute ang humiling na makipag-usap sa pamahalaan. Tinanggihan umano ng pangulo ang kahiligan at wala siyang nababatid na nag-alok si Pangulong Duterte na makipag-usap sa armadong grupo.
Ang alok ay nagmula kay Farhana romato Maute, ang inang nadakip ng magkapatid na Omar at Abdullah, ang mga pinuno ng Maute.
Magugunitang sinabi ni Agakhan Sharief sa Reuters na matapos ang pananalakay sa Marawi City, nilapitan siya ng isang alalay ni Pangulong Duterte na gamitin ang kanyang mga koneksyon sa mga Maute upang masimulan ang backchannel negotiations.
Naudlot ang proseso ng sabihin ni Pangulong Duterte noong ika-31 ng Mayo sa kanyang talumpati na 'di siya makikipag-usap sa mga terorista.
Niliwanag ni G. Abella na wala siyang paraan upang alamin ang katotohanan sa pahayag ni G. Sharief.
Maliwanag ang posisyon ng Malacanang na hindi makikipag-usap ang pangulo sa mga terorista na nagtangkang magtatag ng panibagong bansa sa loob ng bansang Pilipinas.
Ayon pa kay G. Abella, ang pananalakay sa Marawi City ng mga maka-ISIS na Maute Group ay naglayong magtatag ng ibang pamahalaan sa pamamagitan ng calliphate sa Mindanao na siyang naging dahilan ng pagdedeklara ng Batas Militar.
Paghihimagsik na ang ginagawa ng mga Maute. Kung nanaisin ng Maute Group na makipag-usap, ipagpapasalamat ni G. Abella upang makamtan ang kapayapaan. Subalit kung nanaisin nilang ang pakikigima, walang magagawa ang pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |