|
||||||||
|
||
Pilipinas, umaasang higit na gaganda ang relasyon sa Tsina
SA bisperas ng unang taong anibersaryo ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration na pumabor sa Pilipinas, naniniwala ang Malacanang na higit na magiging maganda ang relasyon ng dalawang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, matapos lumabas ang desisyon, nag-uusap na ang magkabilang panig. Magandang pagkakataon ito para sa dalawang bansa, dagdag pa ni G. Abella.
Nagkasundo na ang magkabilang-panig na mag-usap noong ika-17 ng Mayo na isang malaking pagbabago sa ginawa ng nakalipas na pamahalaan ni G. Benigno Simeon C. Aquino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |