|
||||||||
|
||
Presidential Electoral Tribunal, inutusan ang magkabilang-panig na magsumite ng kanilang mga komento sa mga isyung kinilala
NAG-UTOS ang Korte Suprema na nanungunkulan bilang Presidential Electoral Tribunal ang mga grupo nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. na magsumite ng kanilang mga komento sa mga isyung napagkasunduan sa preliminary conference kanina.
Binigyan ang magkabilang-panig ng tig-sampung araw na magsumite ng kanilang mga komento at magkakaroon ng preliminary conference order na magbabawas sa mga usyu at mga saksi sa protesta ni dating Senador Marcos at sa counter-protest ni Vice President Robredo.Dumalo sa preliminary conference ang walang mahistrado sa pamumuno ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno at pitong iba pang mahistrado, mga abogado ng magkabilang panig at ni Marcos mismo.
Ayon kay Atty. George Garcia, limitado na ang mga saksi sa tatlo sa bawat presinto, posibleng paglalagakan ng mga balota.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |