|
||||||||
|
||
PAGBIBIGAY NG BIBLIA SA MGA MUSLIM, MASAMANG PANGITAIN. Ito ang sinabi ni Bp. Edwin A. Dela Pena sa isang panayam. Maganda umano ang relasyon ng mga Muslim at Kristiano sa Marawi City bago sumiklab ang kaguluhan. Nagtutulungan pa ang mga Muslim at Kristiano sa gitna ng panganib. May mga nagnanais maghasik ng 'di pagkakaunawaan sa mga Muslim at Kristiano, dagdag pa ni Bishop dela Pena. (Melo M. Acuna)
Biblya sa mga Moslem, masamang pangitain
BAGAMA'T walang kinalaman ang Apostolic Vicariate ng Marawi sa pamamahagi ng mga bibliya sa mga nagsilikas na Muslim tungo sa Iligan City, sinabi ni Bishop Edwin A. Dela Pena na isang masamang pangitain ito.
Ito ang kanyang reaksyon sa balitang lumabas noong Sabado sa MindaNews na humihingi ng dialogue ang mga Muslim sa mga Christiano matapos makarating ang mga bibliya sa isang evacuation site sa Iligan City noong nakalipas na Huwebes.
Ani Bishop Dela Pena, kagagawan ito ng mga extremist na Christiano na kahalintulad ng mga jihadist na naniniwalang sila lamang ang tama sa kanilang pananaw sa relihiyon.
Tulad umano ng mga pahayag ng mga pinuno ng mainline Islam na dagliang nagkondena sa mga radikal na Muslim, nakikiisa rin si Bishop Dela Pena sa pagkondena sa kagagawang ito ng ilang mga grupong Christiano na nagnanais maghasik na kaguluhan sa mga nagsilikas na Muslim mula sa digmaan sa Marawi City.
Kawalan umano ito ng paggalang sa pananampalataya ng mga Muslim at makapipinsala sa magandang relasyon ng mga Muslim at Catolico sa Marawi City bago pa man sumiklab ang kaguluhan.
Minamaliit ng mga namahagi ng bibliya ang magandang relasyon ng dalawang pananampalataya sa kanilang kawalan ng pagkilala sa iba't ibang pananampalataya.
Binanggit ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang magandang pagtutulungan ng mga Muslim at Christiano. Sa kanilang pastoral statement noong Lunes, pinuri ng mga obispo ang mga Muslim na nagligtas sa tiyak na kamatayan ng mga Christiano sa Marawi City. Pinapurihan din ng mga obispo ang ginagawang pagtulong ng mga Christiano sa mga nangangailangang Muslim.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |