|
||||||||
|
||
20170719melo.mp3
|
Mapanganib na hangaan si G. Vladimir Putin
MAPANGANIB na hangaan si Russian President Vladimir Putin kasabay ng pagsisiyasat ng mga opisyal sa Washington sa sinasabing pakikialam ng Russia sa halalang naganap sa Estados Unidos noong nakalipas na Nobyembre.
Ito ang sinabi ni Madeline Albright, dating US Secretary of State sa kanyang pahayag sa idinaos na ANC Leadership Forum.
Tumanggi si G. Putin na sangkot sa paglalabas ng nakapipinsalang impormasyon laban kay Democratic presidential candidate Hillary Clinton upang magwagi ang Republican standard bearer na si Donald Trump.
Idinagdag pa ni B. Albright na isang magaling subalit may kakaibang ugali at dating nagpalakad ng KGB, ang Russian intelligence arm, si Pangulong Putin. Kinikilala umano ni G. Putin na ang kanyang sarili na isang megaforce na kumakatawan sa mga layunin ng buong Russia.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |