|
||||||||
|
||
Walang magaganap na peace talks kung tuloy ang pananalakay ng mga rebeldeng guerilya
NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte na walang magaganap na pag-uusap sa pagitan ng mga Komunista at Pamahalaan ng Pilipinas kung magpapatuloy ang mga pananalakay ng mga guerilyang kabilang sa New People's Army.
Ito ang kanyang pahayag matapos lumabas ang balitang tinambangan ng mga guerilya ng New People's Army ang dalawang sasakyan ng Presidential Security Group sa Arakan, Cotabato na ikinasugat ng apat na kawal.
Ito ang kautusan ni Pangulong Duterte sa kanyang pakikipagpulong sa government peace panel na pinamumunuan ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa Malacanang kagabi.
Ayon sa pahayag ng Malacanang, kung desidido ang mga Komunista na makipag-usap sa pamahalaan hinggil sa kapayapaan, kailangang pigilan ang mga guerilya nito sa pananalakay sa mga kawal, pulis at iba pang tauhan ng pamahalaan.
Naganap ang pananambang sa mga kawal ng pamahalaan kahapon. Nanawagan ang Malacanang sa National Democratic Front na maglabas ng kanilang pahayag na naglalaman ng kanilang katapatang makipag-usap sa pamahalaan.
Kailangan umanong sumunod sa alituntunin ang mga Komunista upang magkatotoo ang kasunduan hinggil sa tigil-putukan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |