Senador Drilon nagsabing kailangang pagdebatehan ang kahilingang extension ng Martial Law
KAPURI-PURI ang mga kawal na nagpapatupad ng Martial Law sa Marawi City sa sa buong Mindanao. Sa isang panayam, sinabi ni Minority Leader Franklin Drilon na walang anumang naitatalang ulat ng mga paglabag sa karapatang pangtao sa Mindanao. Nararapat na purihin, pasalamatan at suportahan ang mga kawal.
Nabanggit na rin umano niyang nararapat magkaroon ng dagdag na salapi para sa rehabilitasyon ng Marawi City at bilang supporta sa Armed Forces of the Philippines. Sa panawagang magkaroon ng extension ang Martial Law, naniniwala siyang marapat lamang suportahan ito subalit kanilangang pagdebatehan ang masasakalaw na pook at panahon ng pagpapatupad nito.
Hindi pa umano siya kumbinsido kahit naniniwala siyang dapat magkaroon ng extension. Kailangan lamang pag-usapan ng mga mambabatas ang detalyes.
1 2 3 4 5