|
||||||||
|
||
Melo 20170823
|
Senador Lacson inakusahan si dating Customs Commissioner Faeldon
ISINULONG umano ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang katiwalian sa kanyang tanggapan at binanggit pa sa isang ulat na nakatanggap ang dating rebelde ng P 100 milyon bilang suhol sa kanyang pag-upo sa tanggapan noong 2016.
Kwentong bayan umano sa Bureau of Customs na nagkaroon ng P 100 milyon pasalubong sa bagong luklok na commissioner at ang P 25 milyon ay naging bahagi ng isang middleman na nagngangalang Joel Teves.
Ito ang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang talumpati samantalang dinirinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga detalyes ng P 6.4 bilyong kargamento ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs noong Mayo ng 2017.
Sapagkat suportado si Faeldon ni Pangulong Duterte, marapat lamang na nilinis na ng dating rebelde ang Bureau of Customs sa pamamagitan ng pag-aalis ng "tara system."
Kinain umano ng sistema si Faeldon kaya't pikit-mata na lamang ang dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines sa katiwalian. Ikinagulat niyang sa simula pa lamang ng panunungkulan, kumita na agad ng malaki si Faeldon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |