|
||||||||
|
||
Comelec Chairman Andres Bautista, ipinasisibak
HINILING ng isang dating mambabatas at isang abogado na masibak sa pamamagitan ng impeachment si Commission on Elections Chairman Andres Bautista hinggil sa sinasabing mga pagkakasala na kinabibilangan ng pagkakamal ng 'di maipaliwanag na yaman.
Ang reklamo ay nagmula kay dating Congressman Jacinto Paras ng Negros Oriental at Atty. Ferdinand Topacio na inindorso nina Kabayan Party-List Congressman Harry Roque, Cebu Congresswoman Gwen Garcia at Cavite Congressman Abraham Tolentino.
Magugunitang inakusahan si Chairman Bautista ng kanyang kahiwalay na maybahay na si Patricia ng pagkakaroon ng halos isang bilyong pisong halaga ng yamang 'di maipaliwanag.
Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na nag-uugat ang reklamo sa culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.
Nahahati pa ito sa limang insidente tulad ng unexplained wealth tulad ng sinabi ni Gng. Patricia Bautista, ang misdeclared assets sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), ang sinasabing Comeleak at hindi pagkilos na inaasahan at ang script tweak na naganap sa transparency server noong 2016 elections at ang nabalitang pagtanggap ng referral fees o komisyon mula sa Divina Law Office.
Patuloy na itinatanggi ni G. Bautista ang mga akusasyon laban sa kanya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |