Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Palugit na sampung araw, mananatili sa Philippine Air Lines

(GMT+08:00) 2017-09-29 17:46:37       CRI

Palugit na sampung araw, mananatili sa Philippine Air Lines

SINABI ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mananatili ang sampung araw na palugit na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Air Lines na bayaran ang pagkakautang na higit sa P 6.9 bilyon noong huling araw ng Hulyo ng taong ito.

Sa isang panayam na ibinigay sa mga tagapagbalita ni Secretary Tugade matapos ang groundbreaking rites ng MRT-LRT common station, sinabi ng kalihim na mananatili ang sampung araw na palugit.

Ang pahayag na ito ay naganap isang araw matapos mag-usap ang Philippine Air Lines at Civil Aeronautics Authority of the Philippines sa mga posibleng paraan ng pagbabayad.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Constitution Association, sinabi ni Pangulong Duterte noong Martes ng gabi na binabalaan niya si Lucio Tan, ang chairman at chief executive officer ng Philippine Air Lines na magbayad kung nais pa nilang gamitin ang Ninoy Aquino International Airport Terminal II.

Sa tanong kung anong gagawin kung hindi makabayad ang Philippine Air Lines, sinabi ni Secretary Tugade na magkakaroon ng kaukulang hakbang sa oras na maganap ito.

Bagaman, tiniyak niyang hindi gagawa ng anumang makasasama sa mga pasahero ang pamahalaan.

Samantala, sinabi ni G. George Barcelon, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na umaasa siyang matatapos ang sigalot sa pagitan ng pamahalaan at ng Philippine Air Lines bago pa man lumala at 'di na maremedyuhan ang problemang maidudulot nito.

Ang magaganap ay makasasama sa anumang nagawa para sa bansa, dagdag pa ni G. Barcelon.

Idinagdag naman ng isang dating opisyal ng Department of Foreign Affairs na ang mga pasahero ang maaapektuhan ng sigalot.

Sa panig ni dating Philippine Ambassador to Palau at Vatican Apolinario Lozada, Jr., makasasama ito sa industriya ng turismo at transportasyon.

Ayon kay G. Jesus Varela, secretary-general ng International Chamber of Commerce-Philippines, bagama't ang pagpapasara o takeover ay bahagi ng poder ng pamahalaan, kailangan itong idaan sa proseso na itinatadhana ng batas. Lumalabas umanong hindi magkakaroon ng anumang pakikipagkasundo ang pamahalaan.

Idinagdag naman ni Dr. Francis Chua, dating pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry na naniniwala siyang matatapos na ang problema.

Nauunawaan niyang magbabayad na ang Philippine Air Lines sa pinakamadaling panahon.

Mayroong 98 biyahe ang Philippine Air Lines sa bawat araw. May 59 ang nagmumula sa Terminal II samantalang may 23 iba sa ang nagmumula sa Terminal 3 at mayroong 16 na iba pa ang nagmumula sa Terminal 1.

Hindi sumagot sa tawag at mga pagtatanong ang Philippine Air Lines corporate communications sa mga isyung bumabalot sa kontrobersya.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>