|
||||||||
|
||
Ombudsman, 'di natitinag sa banta ni Pangulong Duterte
SINABI ng Office of the Ombudsman na 'di sila natitinag sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasiyasat sila. Tuloy pa rin ang kanilang gagawing pagsisiyasat sa mga sinasabing deposito sa bangko ng pamilya Duterte.
Sa isang press statement, sinabi ng Office of the Ombudsman na 'di sila nayayanig man lamang.
Nagbabala si G. Dutrete na sisiyasatin ang Office of the Ombudsman sampu ng mga tauhan nito.
Magugunitang sinabi ng pangulo na marapat ding siyasatin ang Ombudsman dahil may pinapanigan umano ang tanggapang nagsisiyasat sa mga anomalya ng mga tauhan ng pamahalaan.
Ayon sa Ombudsman, tila bumabawi lamang ang pangulo sa pagsisiyasat sa bilyon-bilyong yamang nasa bangko sa ngalan ng mga Duterte.
Tuloy ang imbestigasyon, dagdag pa ng Ombdusman. Wala umanong dapat ikatakot si Pangulong Duterte kung wala namang irregularidad sa mga deposito sa bangko.
Tuloy ang pagsisiyasat tulad ng itinatadha ng Saligang Batas at kung wala namang itinatago ang pangulo, wala siyang nararapat ipangamba, dagdag pa ng pahayag.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |